Chapter 4

23.4K 659 83
                                    

NAGIsing ako na masakit ang leeg at likod. Gawin ko ba namang kama ang sofa. Sino ba naman ang hindi makakatulog sa pagod sa dami ng nilinis ko?

Nagcoffee ako saka itinuloy ang paglilinis ng banyo ni Boss. Mabuti nalang sinanay kami ni Mommy na paminsan minsan ay tumulong sa paglilinis ng bahay, lalo na kami ni Ate, para daw pagdumating ang araw na mag aasawa na kami, we know how to take care of the house, hindi nga naman sure na habang buhay kaming maykaya at afford ang maid.

The irony of life, sa bahay may maid kami tapos dito maid ako, pero anong masama sa trabahong ito, kesa naman maging tambay at umaasa nalang sa iba para mabuhay.

Minsan lang hindi ko naiintindihan kung bakit mababa ang tingin ng iba sa mga Yaya, Maid, PA, Cleaner , Kasamabahay o Domestic Helpers pag nasa ibang bansa. Hindi yata narerealized ng iba kung gaano kahalaga ang trabahong ganito, we make the life of other people easy.

Malaking tulong sa pang araw araw na buhay ng mga working sector's ang mga kasambahay lalo na sa walang oras maglinis, mag alaga ng mga anak at magasikaso ng ibang kailangan nila, dito sa Pilipinas at maging sa abroad.

Napanood ko minsan sa news na may 10 million OFWs abroad and they represent 10% of the nation's economy. These people are sending money back home every year to their loved ones. The remittances go straight to families, relatives, households, friends. So they can improve their quality of life.

More than a third of the Filipino's population receives money from family abroad. Those remittances help to stabilize our peso against the US dollar.

Kaya hindi ko naiintindihan kung bakit mababa ang tingin ng iba sa ganitong trabaho.

" Ay Tipaklong!" nagulat ako ng magvibrate ang bago kong cellphone habang palabas ako ng banyo ni Boss. Tapos na kasi ako maglinis. May nagtext.

Galing kay Mr. Lazy este Mr. L.

Filipino Breakfast at 9 am d'yan sa condo ko.

Sosyal, may theme ang breakfast ni Boss. May paFilipino breakfast pa siyang nalalaman, wala namang laman ang refrigerator niya kundi alak.

Naligo na ako, hindi na kasi ako mabango, pinagpawisan ako sa paglilinis ng banyo niyang pwede ng maging kwarto.

Naligo na ako, hindi na kasi ako mabango, pinagpawisan ako sa paglilinis ng banyo niyang pwede ng maging kwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lakas maka Hotel ng banyo, di naman marunong maglinis. Nagmadali na akong magbihis at lumabas. Bumili nalang ako ng lutong pagkain, mabuti nalang at may malapit na Restaurant pati grocery sa condo niya. Namili na ako ng ibang pang wala sa condo niya.

Nakabalik na ako at naging abala sa pag aayos ng mga stocks na pinamili ko sa reef at maging sa kabinet niya.

Inayos ko narin ang pagkain niya sa lamesa. Ipinagtimpla ko din siya ng kape. Mag aalasnuebe narin naman.

 Mag aalasnuebe narin naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon