Alexa Isabelle
DAY OFF ko ngayon, pero maaga akong gumising. Nagabala akong mag ayos dahil may date kami Ryan. Dad told me to enjoy my life at wag magpaka stress sa trabaho, hindi daw ikalulugi ng kompanya kung lalabas ako at eenjoy ang sarili ko. He has a point though.
Why not?
I applied light make up, just to add color to my already beautiful face. Simple lang din ang suot ko, a knee length red dress with black ankle strap open toe high heels.
Nine am ang usapan namin ni Ryan, eight forty five ay tapos na rin ako. Lumabas na ako ng kwarto. Wala si Abby dahil nasa Hotel ito, bukas naman ang day off niya. Tumunog ang doorbell, I knew it was Ryan.
Ngumiti ako sa kanya.
" Good morning Princess, you look so beautiful in red.." siya naman ay mas fresh pa sa umaga ang itsura.
He was wearing his casual black slacks na tenernuhan ng long sleeve polo shirt na puti ang kulay at itinupi hanggang siko nito. Mas naging mukhang tao na talaga ito kumpara dati.
" Good morning too, you're not bad yourself." katunayan ay mukha itong mabango.
Ngumisi ito sa sinabi ko. Maybe he notice I was checking him out? So what?
" Where are you taking me?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng condo.
" You'll see." inalalayan niya ako paupo sa front seat ng kotse niya.
He must remembered my allergies, mabango ang kotse nito pero yong bangong hindi masakit sa ilong.
We went to Intramuros, first we go to San Agustin Church, para magsimba. I didn't know Ryan was the religious type, pero napangiti ako ng sabayan niya akong lumuhod at pareho kaming nagdasal.
Sabi nila kapag unang beses mong makapunta sa isang simbahan pwede ka mag wish, so I did. Naupo na ako pagkatapos ko magdasal, hindi man ako sobrang religious pero naniniwala ako sa Panginoon. I know He's always with us.
Napatingin ako kay Ryan, parang sobrang taimtim niya magdasal, I wonder kung anong pinagdadasal niya. " Wag kang chismosa Isabelle." saway ng utak ko.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagappreciate ng loob ng San Agustin Church, it's massive structures shows Spanish Colonial style. Hindi pa yata ipinapanganak ang Lolo at Lola ko ng itinayo ang simbahang ito.
Binisita din namin ang San Agustin Museum na may two floors, several galleries, and even the hallways are teeming with religious art. The pieces range from paintings, sculpture, and furniture.
Inikot din namin ang ilang historical place gaya ng Fort Santiago, Rizal Shrine, Baluarte De San Diego at Casa Manila, para akong binibigyan ng chance na masilip ang nakaraan. Imagine how massive this buildings back then. Masaya sigurong makita ang pamumuhay nila noon.
" Hindi ko alam na mahilig ka sa mga historical buildings.." pabalik na kami ng sasakyan.
" Naekwento lang sa akin ng isa sa mga staff ko sa Airlines. Alam ko naman na hindi kapa nakakapasyal gaano dito sa Manila. Nagustuhan mo ba? " gaya kanina inalalayan niya din ako. Gentleman naman talaga ito, noon pa man.
" Yes, it's nice to see amazing architecture and bits of our Philippine culture from Spanish Colonial Era." I hope our government will do something para maabutan pa ito ng mga susunod na henerasyon.
" Maglunch muna tayo, alam kong gutom kana." aniya. Now that he mentioned about it, gutom na talaga ako.
He take me to this Restaurant which offers a great view of the harbor. We ordered seafoods for lunch. Eating while feeling the sea breeze is amazing. Para akong nasa Isabelle Royal because of the smell of the ocean.