Lorenzo
Nakarating na ako't lahat sa bahay, hindi parin nagrereply si Alex kung ano yong IMY2, code yata? Hinayaan ko nalang dahil nagaaral ito.
" Mabuti naman at naalala mo pang umuwi dito Lorenzo." salubong sa'kin ni Mama.
" I'm so sorry Ma, sumama kasi ang pakiramdam ko kagabi kaya sa Condo nalang ako tumuloy.." tinago ko nalang ang cellphone ko. Mamaya ko na tatawagan si Alex.
" Sa Condo? At kasama mo yong Alex? Kilala kita Lorenzo, baka hindi ka nagiingat at makabuntis ka, malalaman mo nalang napikot kana ng kung sino." kasama ko nga si Alex pero hindi gaya ng iniisip niya.
" Ma please, hindi lahat ng babae pare pareho. I like Alex, sana wag n'yo naman siyang husgahan lalo na at hindi n'yo pa naman siya kilala." nag uumpisa palang ang relasyon namin tapos kontra na siya agad.
" Kaya nga gusto ko siyang makilala, the sooner the better. Lalo na at wala akong tiwala sayo, pagdating sa mga taste mo sa babae, pumili ka naman ng nababagay sayo at hindi kung sino sino lang. Darating nga pala ang mga amega ko. Don't think of going somewhere, kakauwi mo lang." kaya pala abala ang mga kasambahay namin.
" Hi Kuya, nagbrekafast ka na ba?" bati sa'kin ni Leila, mukhang kakaligo lang nito at basa pa ang buhok.
" Tapos na ako Bunso, Lei alam mo ba ang ibig sabihin nito?" kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at ipinakita sa kanya ang text ni Alex.
" Baby ko huh? " nabasa pala nito ang contact name ni Alex.
" Alam mo ba ang ibig sabihin niyang IMY2? " pinagtawanan niya ako.
" Kuya, I miss you too daw, hindi ka ba nausohan ng abbreviation?" tinignan ko ulit ang message ni Alex.
Sa halip na mainis ay ngumisi ako. Namimiss din ako ng baby ko. Agad akong nagtype ng message.
Nasa bahay na ako Baby. IMYMTM..
Akala niya ba siya lang marunong..
Umakyat nalang ako sa kwarto ko at nagpahinga, medyo mabigat padin kasi ang pakiramdam ko. Pero hindi maipagkakailang masaya ako, girlfriend ko na si Alex.
Ano yan? I miss you more than most? Mais..
Ang nabasa kong laman ng reply niya sa text ko. Teambasag talaga siya kahit kailan.
Don't forget to re-heat your lunch. I honestly miss you, Baby. 😘
Dapat hindi nalang muna ako umuwi kung alam ko lang na may bisita si Mom.
I heard a knock on my door. Si Lawrence..
" Kuya, bumaba ka na daw sabi ni Mommy, ihanda mo narin yang panga mo dahil for sure mangangawit yan, you know Mom right?" ang tinutukoy nito ay ang madalas ulit ulitin sa kanila ng ina, sa tuwing naroon ang mga amega nito. Ang ngumiti.
" Enzo, Darling. It's good to see you." ngumiti nalang ako kahit sa totoo lang hindi ko natatandaan kung sino siya.
" Hi Tita.." bati ko nalang.
" Lianne, mas lalo yatang naging magandang lalaki itong anak mo, bagay na bagay sila ng dalaga ko." kung nagkataong pangit pala siya, hindi siya babagay sa anak nito?
" Kanino pa ba magmamana ang mga anak natin, kundi sa atin din syempre." kumikinang na naman ang ina ko, nandito lang naman kami sa bahay pero suot nito ang mga alahas.
" Natatandaan mo ba ang anak ko, Enzo? Anak, Hailey Hija come here.." siya pala ang ina ni Hailey..
" Yes Tita, nagkita na po kami. " ngiting ngiti naman si Hailey pagharap sa'kin.