Chapter 5

24.7K 679 103
                                    

Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ko sa pagtatrabaho kay Sungkit, naitatawid ko parin ang pagbili ng breakfast niya mula sa restaurant nang hindi niya nalalaman.

Kakatapos ko lang maglinis ng may kumatok. Hindi niya ako isinama sa lakad niya today.

Binuksan ko na ang pinto, para kasing bubutasin na ng kumakatok.

" Ano ba Renz., ang tagal mo namang buksan ang door." maarteng bungad sakin ng isang girl.

" Sino po sila?" magalang kong tanong. Nagsalubong ang kilay niyang tila bagong ahit, ang nipis..

" Ikaw ang sino? " pinoy nga naman, sagutin ba ng tanong ang tanong din? " Anong ginagawa mo dito, sa unit ni Renz." kita mo tong babaeng to, ang aga aga high yata.

" Ms. walang Renz dito, isa pa dito ako nakatira, kaya kung wala ka ng kailangan, may gagawin pa ako." pero itinulak niya ako, saka pumasok.

Bahay niya?

" Renz! Renz! Yuhoo! akmang bubuksan nito ang kwarto ni Enzo pero humarang ako.

" Ang sabi ko, walang Renz dito. Makakaalis ka na, trespassing na itong ginagawa mo .." mahinahon parin ako. Ayokong sirain ang araw ko sa babaeng ito.

" Trespassing huh? Wala naman akong ginagawa.." aniya..

" Miss, FYI every unlawful entry into another's property is trespass even if no harm is done." tinaasan ko siya ng kilay. Matalino ang nagbabasa.

" Ikaw ba ang flavor of the month ni Renz? Pagsasawaan karin niya, lalo na at mukhang kang muchacha." atleast hindi hipon, tapon ulo. " Bad Isabelle, bad." saway ng utak ko.

Manlalait pa kasi. Nagkalat talaga mapanglait sa mundo, tingin tingin din sa salamin.

Lumapit ako sa pinto at mas niluwagan ang pagkakabukas nito para sa kanya. Mabuti at nakaintindi naman siya. Inirapan niya pa ako bago umalis. " Madapa ka sana.." bulong ko.

Pagsara ko ng pinto ay bigla ko naisip na baka si Enzo nga ang hinahanap nito. Renz, galing sa LoRENZo. Hindi ako makapaniwala na nagdadala siya ng babaeng hipon dito sa unit niya. At alangan namang mag Dota sila, kung sila lang ang nandito.

" Babaero ka pala! " binato ko ng throw pillow ang pintuan ng kwarto niya.
Bakit ba ako naiinis? Ano naman kung nagdadala siya ng babae dito? Bahala siya sa buhay niya.

Naligo ako saka lumabas, balak ko sana mamalengke pero sino naman ang magluluto? Namimiss ko na ang luto ni Mommy.

" Hi Kuya.." bati ko sa Guard dahil friendly ako. Pinatwinkle ko pa ang mata ko.

" Sagot naman d'yan Koya.." bulong ko. Pero deadma lang siya mga Beshie. May pinagdadaanan yata.

Na hohomesick na talaga ako. Sabagay matagal narin ako dito sa Tate, charooot.

" Magnanakaw! Snatcher!" nabulabog ako sa pag sesenti ko sa kalye ng may sumigaw sa may unahan.

Tumatakbo ang lalaking may dalang bag and he 's approaching me, siya yata iyong magnanakaw. Kunyari ay hindi ko siya pinansin pero pasimple ko siyang pinatid nang saktong dumaan siya sa harap ko. Boom!. Nabitawan niya ang bag. Agad ko itong dinampot.

" Ang laki laki ng katawan mo, bakit hindi ka magtrabaho? " lecture ko sa kanya na parang Nanay.

Ang hirap sa ibang tao, ayaw magbanat ng buto. Gusto ng pera, tamad naman.

" Akin na yang bag! Wag kang mangialam kundi papatayin kita!" naglabas na siya ng patalim na mukhang mapurol naman. Kitchen knife yata?

" Nako! Nako Koya! Luma na yang linya mo." palitan mo.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon