8 months later
Alexa Isabelle
MAAGA akong gumising today kahit sa totoo lang tamad na tamad akong kumilos. I prepared breakfast for me and my husband. Sa tuwing babangitin ko ang salitang husband o asawa hindi ko padin maiwasang kiligin at mapangiti. Tinupad lang naman ni Enzo ang dream wedding ko, syempre sa tulong ng Pamilya ko lalo ni Mommy, Ate Chloe, Tita Choleen at maging ni Ate Red. I have no idea kung paano nila yon nagawa sa loob lang ng isang buwan but anyway, we are Rosales after all. Na ah, Leviste na nga pala ako ngayon. Surreal parin ang nakalipas na mga buwan. We spent our honeymoon in Maldives for a month at kinailangan din bumalik agad dahil sa opening ng bagong Mall ng Leviste Corp.
It's Saturday today kaya alam kong marami akong oras para gawin ang surprise ko sa asawa ko dahil pareho kaming walang pasok.
We moved here, sa two-story house na regalo ni Dad noong kasal namin. Hesitant pa ang asawa ko na tanggapin noong unang nakita namin ang bahay pero wala narin ito nagawa dahil nabili na ito ni Dad at nakapangalan na sa amin ang bahay. Si Abby nalang ang naiwan sa Condo. Niyaya naman namin siya ni Enzo na dito nalang tumira kasama namin pero ayaw niya lalo na at nasa honeymoon stage pa daw kami. Ayaw daw niyang ma corrupt ang utak niya. Abegail as always. Aso't pusa parin sila ni Liam, who knows baka magkatuluyan ang bestfriend at ang pinsan ko.
Willy and Sam are engaged ganon din sina Anton at Cindy. Malaki daw ang naging impluwensiya ng kasal namin sa kanila, pero kung si Willy ang tatanungin, kasalanan namin kung bakit nagka idea ang dalawang girls ng tungkol sa kasal. Napilitan daw tuloy silang magpropose. I told Enzo na hindi naman na masama and its about time, parang naging goals ng tropang Vintage ang nangyari at soon parehas na silang tatlo na married. Present din nga pala si Perly sa sa wedding namin, malay ko kung sinong naginvite sa kanya, hindi man kami friends, masaya narin ako na mukhang hindi na kami enemy. Finish nadin naman kasi ang laban. May nanalo na, Mrs. Alexa Isabelle R. Leviste na nga kasi ako.
Pagkatapos masigurong maayos na ang lahat sa table, bumalik na ako sa kwarto namin para gisingin ang gwapo kong asawa. Pero sinuot ko muna ang isa sa tshirt na sinadya ko pang ipagawa para sa araw na ito.
Pinagmasdan ko saglit ang natutulog kong Sungkit, nasa may gilid na ito ng kama.
Lumuhod ako sa tabi niya at sinuklay ang malago niyang buhok. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang gwapo niyang mukha lalo na sa umaga. Snuggling up in his arms and falling asleep next to him is one of the best feelings in the world. Promise ang sarap sa feeling. I feel safe, secure and loved. Mabilis din akong nakakatulog. During workdays, hirap kami madalas bumangon, we love to cuddle in the morning and I can literally stay in bed all day with this man, my man, my Enzo.
" Why are you up so early babe? Come here.." hinila niya ako kaya napahiga ako sa ibabaw niya. Iniyakap niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko. Siniksik ko naman ang mukha ko sa leeg niya, inhaling his scent. Na madalas kong hanap hanapin lately.