Chapter 48

22.6K 712 125
                                    

Lorenzo

GULAT at nanlalaki ang mata ng lingunin niya ako. Hindi marahil ito makapaniwala na heto na naman ako at bibida bida.

" What are you doing here?" Aysst ang ingay niya, hindi ba siya aware na dapat ay hinaan niya ang boses niya sa mga ganitong pagkakataon. Senenyasan ko siya na manahimik.

Inalis ko ng dahan dahan ang kapiraso ng dingding na gawa sa kahoy na halos may kalumaan na saka lumusot doon. Lumuhod ako sa harap niya saka inalis ang pagkakatali ng mga paa niya at maging ang sa kamay.

" Let's go.." hila nito sakin patungo sa pinto. Pero agad ko siyang pinigilan. Damn this woman..

" Wag d'yan, may mga nagbabantay sa labas. Hinila ko siya sa nilusutan ko, ng makalabas na kami ay ibinalik ko ang kapiraso ng dingding na tinanggal ko kanina.

" How did you know?" tanong ulit niya.

" Sssshhhh..." saway ko ulit sa kanya. Kailangan namin makalayo bago pa nila mapansin na nakawala siya.

" MGA BOBO! NATAKASAN NA KAYO NI ISABELLE! ANG SABI KO SA INYO BANTAYAN N'YONG MABUTI! HANAPIN NINYO, MGA INUTIL!" sigaw ng isang babae.

" Hurry, alam na nilang nakawala ka." hinila ko siya sa gubat. Mahigpit naman ang kapit niya sa kamay ko. Kung iba lang ang sitwasyon kikiligin na ako.

" May cellphone ka ba? Call someone, humingi na tayo ng tulong sa mga Pulis." aniya.

" I already did, pero alam mo naman ang mga Pulis laging late. Kailangan nating makalayo dito, may mga baril iyong mga nakita ko kaninang mga lalaki, wala tayong laban." hinawi ko ang mga dinadaanan namin.

" Ayon sila! Bilisan niyo!" dinig kong sigaw ng isang lalaki.

" Enzo, maabutan na nila tayo.." bakas sa boses ni Isabelle ang takot.

" Hindi kita ibibigay sa kanila, magkamatayan na. Just hold my hand, hindi na kita bibitawan this time, ano paman ang mangyari Isabelle." I mean it.., magkakahiwalay lang kami ulit kung patay na ako.

" TIGIL!!!" sigaw muli ng kung sino, paglingon ko ay kita kong babarilin niya kami. Hinigit ko si Isabelle saka ikinubli sa katawan ko. Nagpaputok ito ng baril, napaimpit nalang ako ng maramdaman ang sakit sa bandang balikat ko.

Ininda ko ito at agad na hinila si Isabelle palayo. Nakarinig ako ng tila agos ng tubig. Di nagtagal ay bumulaga sa amin ang isang waterfalls.

" Don't tell me tatalon tayo d'yan Enzo?" aniya, saka nanlaki ang mata nito ng mapatingin sa balikat ko.
" You're bleeding. Ma- may sugat ka! " bakas ang takot sa mukha niya.

" I'm fine, tama ka, we need to jump, mahihirapan na silang habulin tayo dahil iikot pa sila para bumaba sakali." hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, binalewala ko ang kirot ng kaliwang balikat ko.

" Pero Enzo, dumudugo yang..." hinila ko na siya patalon. Dinig ko kasi na malapit na ang mga humahabol sa'min.

Mas dumoble ang sakit ng sugat ko ng bumagsak kami sa tubig, hirap man ay hindi ko binitawan si Isabelle. Lumangoy kami paligid at nagkoble sa mga bato bago umahon at nagumpisa muling maglakad.

Napangiwi ako sa pagkirot ng sugat ko. Puno narin ng dugo ang manggas ng puting Polo na suot ko. Tumigil ako saglit ng mapansing panay ang singhot ng kasama ko.

She's crying..

" May masakit ba sayo? Bakit ka umiiyak? May sugat ka ba?" lalo itong napaiyak. " Shhhhh, makakauwi karin sa inyo, Baby don't cry, nandito ako, hindi kita iiwan unless you're safe." niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon