KANINA pa ako tinatawag ni Enzo, may ibang lakad pa yata siya kaya nagmamadali. I thought, birthday lang ni Perlita ang pupuntahan namin ngayon gabi. Kung umasta siya para siya ang may birthday.
" Baby, sabi ko sayo huwag kang masyadong magpaganda, you're beautiful already, mamya ikaw nalang ang pansinin ng mga lalaki doon." he and his possessiveness.
" I'm done." Nag abala akong ayusin ang sarili ko. Hindi man mayaman ang pagkakakilala nila sa'kin atleast maganda naman. Ang magandang girlfriend ni Lorenzo Leviste.
Nakangangang hinagod niya ng tingin ang kabuuan ko. " Wow! Kaya naman pala ang tagal mo, you look gorgeous, or stunning rather. I'm so lucky to have you Alex, Baby.." bolero talaga.
Yumukod ako. " Thank you, you look handsome too Mr. Leviste. Tara na? Hindi ba't kanina kapa nagmamadali?" he kissed me on the cheek saka ako inalalayang lumabas ng unit ko. Ang gentleman...
" Baby, I think, your dress is too sexy.." I rolled my eyes..
" Don't start Lorenzo, baka mag isa kang pumunta sa party." siningkitan ko siya ng mata.
" Ang sweet mo talaga Baby. Kaya lalo kitang minamahal." shit! kinilig pati talampakan ko.
" Dapat lang." sagot ko.
Nakarating na rin kami sa bahay nila Perly ng hindi ako nililipad sa mga paandar ng boyfriend ko. Inalalayan niya ako pababa ng sasakyan, he's the perfect gentleman, oo na..
Mukhang mayaman nga ang mga Dagatnon, malaki ang bahay ng mga ito but still mas malaki pa rin ang bahay namin.
Nakakatuwang malaman na marami ang natutuwa at nagsasaya sa kaarawan ni Perlita. Marami silang bisita.
" Renz? Oh my gosh, you came." baliw na hipon, nagimbita kaya siya. Pero dahil birthday niya, I'll try to be kind to animals este crustacians.
" Happy Birthday Perly, thank you for inviting us." bati ni Enzo sa kanyan. Saka ako humarap sa kanya mula sa likod ni Sungkit.
" Happy Birthday.." sabay abot ko ng regalo namin sa kanya.
Gulat na napatingin ito sakin. Kita ko ang pag angat ng kilay niya pagkatapos niya akong tignan mula ulo hanggang paa. I half smiled. Alam kong maganda ako lalo na ngayong gabi.
" Alex, you're here." Ay hindi, aparisyon ako, Dyosang aparisyon " Thank you sa gift, hindi kana sana nag abala.." alam kong hindi ang regalo ang tinutukoy niya, hindi na dapat ako nag abalang pumunta.
Lorenzo must have sensed the tension kaya nagpaalam ito sa kanya para hanapin namin ang mga kaibigan. Wala na itong nagawa kundi sundan kami ng tingin.
" Look who 's here, ang loveteam ng taon, #EnLex, Alex you look great." bungad ni Willy sa'min.
" Thank you Wilfredo." napangiwi ito sa sagot ko.
" Hi Alex, Enzo, alam n'yo bagay talaga kayong dalawa." si Sam na lumapit sakin at nagbeso. Ganon din ang ginawa ni Cindy.
" Hindi ba't napaka swerte ko dahil girlfriend ko na si Alex?" may pagmamalaking sambit ni Enzo.
Ako ang maswerte sa kanya, naging magaan ang buhay ko dito sa Manila dahil sa tulong niya. Baka sa kalye na ako natulog at nagpalaboy laboy kung hindi niya ako hinire bilang PA.
" Mas maswerte ako kasi nakilala kita.." tinignan ko siya sa mata.
" Jeez, stop eye fucking each other, maaga pa. You can go get a room later." pinanlakihan ko ng mata si Anton, panira ng moment.
Napatingin kami sa itaas ng platform ng may magsalita, si Mr. Pablo Dagatnon, ang ama ni Perlita. He was talking about expansion of their business and stuff. Saka niya tinawag sa stage ang pamilya at binati si Perly.