Chapter 15

20.9K 568 63
                                    


Alexa Isabelle

Gusto kong batukan itong boyfriend ko, kanina pa kasi pangiti ngiti, parang timang, panay din ang bati sa mga nakakasalubong namin, kulang nalang pati aso sa daan batiin niya.

Hindi man kami magkasama buong araw kahapon, minu minuto naman siya kung mag text. Sinamahan nito ang pamilyang magsimba at dalawin ang mga kamag anak.

" Tigilan mo yang kakangisi mo Lorenzo.." Para kasi siyang ibang tao, baka naengkanto ito sa pagdalaw sa kamaganakan.

" Baby, masaya lang ako, girlfriend na kita tapos hindi ko pa makalimutan yong ginawa mo sa Bar sa harap ni Perly. " lalong lumapad ang ngisi nito.

Naginit naman ang pisngi ko ng maalala ang kapangahasang ginawa ko. Naalala ko din ang nagbabagang mata ni Perlita pagkatapos kong halikan si Enzo. Sumusobra na kasi ang hipong iyon. Kung ano anong lumalabas sa bibig, sarap niyang igisa sa sitaw.

Hinuli nito ang isang kamay ko saka hinalikan. " Akala ko Baby, maganda na ang araw paggising ko kanina, hindi ko akalaing may mas igaganda pa pala ito, lalo na ngayong kasama at nasilayan na kita." enebe! May paghirit ang Sungkit. Nakakainis.

Nagreregodon na naman ang puso ko.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana para ikubli ang ngiti at kilig na gustong kumawala sa systems ko.

" Ayieehh! Kinikilig yan.." tukso niya sakin.

" Tseh! Ayusin mo yang pagmamaneho mo, mamaya maaksidente tayo sa lakas ng paandar mo. Sinagot na kita, huwag mo na akong bulahin pa." sungit sungitan ng Lola niyo.

" Baby hindi kita binubola, alam mo bang para kang suot ko ngayon." Ano daw?

" Huh?!" pinagsasabi nito..

" Simple lang pero bagay sakin." sabay kindat niya.

This time hindi ko na naitago ang pagngiti ko. " Anong tinira mo at panay ang banat mo?"

" Vitamin Love, Baby ko, bitamina ng pag ibig ko sayo.." Deym! Uwian na, panalo na naman si Lorenzo.

Ginalingan na naman nito. Napansin ko na nakarating na rin kami sa wakas sa tapat ng Building nila, bago pa bumagyo sa mga kakornihan niya. Pero sweet naman. Kilig eh..

Pero wala pa yata siyang balak bumaba. He's looking at me like I'm the most beautiful girl in the world. Yong buhok ko nauna ng lumabas ng sasakyan baka maapakan.

" I love you Alex. I love the curve of your smile, the way you blush, you are simply beautiful and I'm glad that you are mine." Omegaaawwwd! Gusto yata akong patayin ng Sungkit na to, patayin sa kilig.

Huwag kang ganyan baka mawala ako sa wisyo at magahasa ko siya ora mismo.

Napapikit nalang ako ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Kailangan talaga nakapikit para feel, ano ba!

Bumitaw na siya, pero gusto ko pa. Ang tamis kasi ng labi niya, ang bango bango niya pa, ang sarap niya sa ilong. He smiled when I chased his lips. Ang nangyari tuloy humalik ako sa nakangiti. May birthday yata, pabitin!

" I said I love you. Wala bang sagot d'yan? " nagpapacute na naman ito.

Napakagat ako sa labi ko.

" Ano kasi, hindi pa ako sanay, pati nga sa pagtawag sayo ng Baby medyo naninibago pa ako." pagdadahilan ko. Pero nahihiya lang talaga ako, baka kasi ipagkanulo ko ang sarili ko at mabuking ako sa pagpapakipot ko.

Nauna na akong bumaba ng sasakyan, hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Landiiii kasi, ang agaaga..

" Baby.." tawag nito. Akmang hahawakan nito ang kamay ko pero binawi ko.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon