Chapter 30

22.5K 701 141
                                    

NAGSIMBA kaming Pamilya kinabukasan, mula ng bumalik ako ay nakagawian na naming magsimba ng kompleto. Kasama si Ate Chloe, Kuya Z at ang dalawa nilang anak, sina Zion at Maui.

Sa kabila ng mga nangyari sa Manila ay blessed parin ako, may mapagmahal akong pamilya na maipagmamalaki ko sa lahat, mga magulang na may mabubuting puso lalo na ang Mommy ko.

Nagpaalam akong magiikot ikot sa Mall pagkatapos naming kumain ng lunch. Paglabas ko ng restaurant ay hindi ako makapaniwalang makakasalubong ko si Nicole, Abby at Faye, mga kaibigan ko mula pa noong Highschool, malalapit na kaibigan actually.

" OMG! " halos sabay nilang bulalas.

" Alexa Isabelle!!?" tuwang sinugod ako ng mga ito ng yakap na malugod ko namang tinanggap.

" Nabuhay ka Brat!" sinimangutan ko si Nicole. Dati paman, madalas na siya nitong tawaging Brat. Sabagay totoo naman. Slight, depensa ng utak ko.

" Oo nga Isabelle, saang lupalop kaba ng mundo nagsuot? Akala namin sumali kana sa mga NPA sa pagrerebelde mo sa Daddy mo." hindi lingid sa mga ito ang sama ng loob ko kay Dad, sila ang naging takbuhan ko noong mga panahong galit ako sa ginawang pagpapakasal  ni Daddy kay Ate Chloe at Ethan.

" Hoy! Gravity naman yong NPA, sa ganda kong ito." sabay irap ko.

Baka biglang magkasundo ang mga rebelde, magkasundong patayin ako sa kamalditahan ko o di kaya iparansom..Yay!

" Oh Gosh, ikaw nga talaga iyan Isabelle, wala paring kupas yang self esteem mo." naghigh five kami ni Faye.

Napansin namin na pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan, sa ingay ba naman naming apat. Ganito talaga kaming magkakaibigan pagmagkakasama, kala mo laging may away dahil ang gugulo. We see a nearby bench, nakiupo muna kami, chikahan syempre sa haybu haybu..

" Ilibre mo naman kami Isabelle, bilang ngayon ka lang nagpakita, magbayad ka ng utang sa pagkakawala mo sa mga hangouts natin, so bali.." umaktong nagiisip si Nicole. " Mahigit two years kang wala, so isang taon mo kaming ililibre." pinaningkitan ko ng mata si Nicole.

" Tse! Wala akong utang, kayo nga dapat ang bumawi sakin. Kamusta na ba? Parang wala naman kayong pinagbago, lokaloka parin kayo.." sabagay ako din naman.

May kasabihan nga " Tell me who your friends are and I will tell you who you are."

" Akala mo naman, sampung taon kang nawala, pero wag ka, may boyfriend na ako, yayamanin.." pagmamalaki ni Faye..

" Gwapo ba?" tanong ko.

" Yayamanin Isabelle, may wheels na agaw pansin." sagot niya na ikinatawa ko.

" Ang sama a, hindi na kaya uso ang gwapo sa panahong ito, aanhin ko ang gwapo kung iiwan din lang ako, mabuti pa sa Bebeloves ko, secured ako." may point naman siya.

" Ikaw Abby, how are you?" napansin ko na medyo tahimik ito.

" Okay naman ako Isha, masaya ako na nagkita kita tayo ulit." alam kong masaya siya na nagkita kami pero something is bothering her.

" Medyo nahihirapan kasing humanap ng trabahon si Abegail' Isabelle, baka naman pwede mo siyang tulungan, total sa ating apat ikaw ang yayamanin.." nagtaka ako sinabi ni Nicole.

" Hindi mo ba nabalitaan ang pagkakasangkot ng Daddy niya sa smuggling ng Drugs? Wala bang TV, Radyo or kahit Dyaryo manlang sa pinanggalingan mo Isabelle?" si Faye.

" Wala!" asar kong sagot..

" OMG, namundok yata siya talaga.." sabad ni Nicole. " Saang bundok ba yan, ng mapuntahan, nakakaganda yata doon.." inborn na kaya ang ganda ko.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon