Chapter 19

18.6K 579 160
                                    

MABILIS na lumipas ang mga sumunod na araw, kaunti nalang ay makukuha ko narin ang Diploma ko, natapos ko na kasi ang kulang kong units sa pamamagitan ng online course, na email ko na sa University ang mga kailangan nila to release my diploma.

" Alex, nakapagdecide kana ba?" tinatanong ako ni Mitch kung gusto kong sumama sa kanya na magtake ng cooking class under TESDA, 3 hours every Saturday lang naman daw for one month.

Napagisipan ko na rin naman at pabor sakin yon, lalo na at wala akong alam iluto liban sa itlog at ginisang sardinas with cabbage na recently ko lang natutunan.

" Yap, gora ako d'yan." nandito kami sa opisina at tinatapos ang ilang trabaho bago mag weekend.

Matutuwa si Mommy kapag nalaman niyang marunong na akong magluto. Pwede ko narin ipagluto ang Sungkit ko.

" Anong nginingiti mo d'yan? Para kang timang.." timang agad? Diba pweding inlove..

" Tigilan mo na kasi yang LQ n'yo ni Leo, para hindi ka bitter Bess." si Leo ang boyfriend nito na taga HR Department.

" Tsk! Huwag mo ngang mabanggit banggit ang pangalan ng manlolokong yon.." nanahimik nalang ako. Baka mamaya ako pa ang awayin niya.

" Ehemm.." pareho kaming napatingin sa pinto ng may tumikhim. 

Si Perlita. Ano na naman kayang masamang hangin ang nagdala sa kanya dito? Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang pagpapahiya sakin sa party niya.

" I want to talk to Renz.." si Michelle ang kinausap nito. " Hindi siya nagrereply sa mga text at hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko." lakas umastang jowa ang hipon.

" Nasa board room  po si Mr. L, may meeting kasama ang bagong client. Hindi ko na po kayo tatanungin kong may appointment kayo, mukhang hindi uso sa inyo yon." lihim akong natawa sa pagiging straightforward ni Mitch.

" I'll wait for Renz." umupo ito sa visitors lounge na naroon sa tapat namin.

" Alex, I want coffee, saka pakilakasan ang AC please, ang init.." wow! ngayon naman feeling Boss si Hipon, iba..

Hindi ko siya pinansin.

" Bingi ka ba?! Ang sabi ko gusto ko ng coffee!" nagtaas ako ng tingin mula sa finafile ko.

" Nasa baba ang coffee shop Perlita.." anong tingin niya sa office ni Enzo, Cafe?

" Ano ka ba dito ha? Diba empleyado ka? Porke ba girlfriend ka ni Renz, hindi ka na susunod sa utos? Bisita ako dito." baka bwesita. Walang bang kape sa bahay nila?

Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat, people who are bossing me around lalo na kung hindi ko naman Boss. Sa halip na pagbibigyan kita, I'll do the opposite.

" You're not my Boss and I don't work for you, so please, huwag kang mag iskandalo dito, may mga trabaho kami." nakita ko ang pangisi ni Mitch.

" Ang yabang mo Alex, akala mo kung sino ka!" lumapit ito sa table ko at hinampas iyon, kawawa naman yong lamesa. " Baka nakakalimutan mo, girlfriend ka lang ni Renz, hindi ka niya asawa! Basura ka parin!" sino kaya sa'min ang mukhang basura.

" Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Perlita, go on. Pero hindi magbabago ang katotohanang, ang basurang ito ang MAHAL ng lalaking pinapantasya mo. No matter how many times you humiliate me, ako parin ang girlfriend ni Lorenzo at ang mahal niya, hindi ikaw.." minsan dapat din siyang sampalin ng katotohanan, ang lakas ng loob.

" Huwag kang feeling asawa.." ayaw parin niya patalo.

" Alam ko naman kung bakit laging mainit ang ulo mo sakin, iniisip mong inagaw ko sayo si Lorenzo, pero paano ko naman siya inagaw, kung sa umpisa palang, hindi siya naging sayo? But i don't hate you Perlita, you actually make me feel good about myself, pinagkakaabalahan mo kasi ang basurang gaya ko." hindi na ako papayag na maulit pa ang pagpapahiya niya sa akin noong nakaraan.

Maldita Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon