Choleen
REMEMBER me? I'm back! Did you guy's missed me? If not, who cares..kidding..
Sa mga hindi ako kilala, I'm Choleen De Luna Rosales..., joke! Mrs. Choleen D. Velasquez, I'm happily married to Zack Velasquez at may isa kaming anak si Liam Ezekiel. I'm Trisha's evil twin sister noon, pero hindi na ngayon and Chole's biological mother.
I called Trisha para ipaalam ang plano naming pagbabalik ng Pinas bagay na ikinatuwa ng kakambal ko. Suddenly, she asked me kung anong magandang gawin sa mga taong nanakit sa anak niya, kay Isabelle. Hindi ang tipo niya ang mapaghiganti pero ibang usapan kapag mga anak niya na ang nasaktan.
She told me about how this people treated Isabelle habang nasa Manila ito at hindi ko rin maiwasang magalit. They even called her hampaslupa? Anong karapatan nila?
Inalam ko ang tungkol sa mga taong nabanggit ni Trisha, the Leviste. Hindi naman mahirap maghanap ng impormasyon lalo na at may negosyo ang mga ito at dating beauty queen si Mrs. Leviste, ang promotor sa pangaapi sa pamangkin ko. The judges must be blind ng ipanalo siya, her beauty is nothing compared to me and Trisha, sa totoo lang, mas maganda kaming di hamak ng kakambal ko.
The nerve of that woman na magmalaki, wala pang kalahati ang yaman nila sa kayamanang meron ang mga Rosales, ano pa kaya kung isa sama ko ang mamanahin ni Isabelle mula sa mga De Luna. Pinagaralan ko ang negosyo nila at hindi ganoon kahirap pabagsakin ito kung sakali. It's already on the verge of bankruptcy.
Trisha told me na mukhang may pinaplano si Isabelle laban sa mga ito, nakita niya daw na pinagaaralan din nito ang kompanya nila at naisip kong tulungan siya. Trisha wanted to join too pero pinigilan ko siya. I told her na ako na ang bahala.
Once a bitch always a bitch. Hindi nila alam kung sino ang kinalaban nila.
I was able to buy 30% shares on Leviste Corporation ng walang kahirap hirap. I set a meeting with them at ang may edad na Leviste ang nakaharap ko. He agreed on my terms at isa na doon ay ang pagkakaroon ng sariling office sa building nila. Keep your friends close but keep your enemies closer ika nga.
Trisha was right, the best revenge is to own their only source of wealth, at yon ay ang kompanya nila. Alam kong si Isabelle ang nakabili ng other 30%, kanino pa ba magmamana ang pamangkin kong iyon, parehas kaming magisip. Kapag binigay ko sa kanya ang number of shares na hawak ko, it will make her the major shareholder of the company, which means she will own the company. She's not aware of any of this, saka ko nalang sasabihin.
Papunta ako ngayon sa building ng mga Leviste, isasaayos ko muna ang kompanya bago ito ibigay kay Isabelle. Ito ang paraan ko para kahit paano ay makabawi ako sa naging kasalanan ko sa kanya noong baby pa siya. I put her life on danger noong kinidnap ko siya, kaya hindi ako papayag na may mananakit ulit sa kanya.
I smiled pagbaba ko ng sasakyan, ang matandang Leviste mismo ang naghihintay sakin sa harap ng building nila.
" Good morning Mrs. Velasquez." aniya.
" Good morning Mr. Leviste."
" Shall we? " iginiya niya ako papasok.
Nakangiting mga empleyado ang sumalubong sa akin. They even handed me a bouquet of flowers.
Sumakay kami ng elevator at nakita kong sa 10th floor kami tumigil. Muling sinalubong ako ng mga empleyadong may ngiti, na orient marahil ang mga ito kung sino ako.
Pumasok kami sa isang opisina. " Mrs. Velasquez, welcome to your office and welcome to Leviste Corporation." kahit papaano ay natuwa ako sa ayos ng opisinang inihanda nila para sa akin. " Nasa conference room nga pala ang members ng Board Mrs. Velasquez and they would like to meet you naroon din ang anak ko na siyang kasalukuyan CEO ng kompanya.." ang lalaking naging kasintahan ng pamangkin ko.