Chou Tzuyu's POV
Kriiiiiiing..... Kriiiiiiiing......
Good Morning. Bumangon na ako sa higaan ko at hinanda ang uniform ko pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo.
After 30 minutes...
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at bumaba.
Pagkababa ko ay si kuya lang ang naabutan ko na nakain na and as always nasa work na sila mom.
"Good morning lil.sis" bati sa akin ni kuya at hinalikan ako sa pisnge.
"Morning" sagot ko naman at umupo na para kumain.
Tahimik lang kami ni kuya na nakain.
"Lil.sis sorry di ulit kita maihahatid alam mo naman diba malayo ang branch niyo sa amin, pasensya na" sabi ni kuya kaya nag nod nalang aki, magpapahatid nalang ako Kay manong.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si kuya at lumabas naman na ako para tawagin si manong.
"Manoooong! Manooooong!" Bakit walang nasagot? Maitanong nga kaya manang.
"Manang nasaan po si manong Ben?" Tanong ko nagpalit na kami ng driver eh.
"Iha wala si wala si manong Ben mo may sakit wala tayong driver ngayon" sabi ni manang kaya tumango nalang ako.
Aish! No choice ako kundi mag bus papasok ng school,Tss.
Lumabas na ako sa subdivision namin at nag antay ng bus.
Ayan na may bus na. Bago ako Pumasok ay nag mask muna ako para walang makakilala sa akin alam niyo naman. pagkapasok ko ay isa nalang ang upuan ,duon nalang sa tabi nung mamang nakakatakot ang itsura.
Lumakad na ako papunta duon and ang weird ng feeling kasi halos lahat ng pasahero nakatingin sa akin, siguro dahil nakasuot ako ng uniform ng isa sa mga pinakasikat na university sa buong mundo na tanging mga idol at mga anak lang ng mga milyonaryo ang nakakapasok.
Tss yan ang ayaw ko kapag nasakay ako sa bus eh.
Umupo na ako sa tabi nung mamang nakakatakot.
Maya Maya ay napansin ko na nakatingin siya sa legs ko alam niyo naman diba maikli ang palda namin, nang mapansin ko yun ay agad Kong tinakpan ng bag ko ang legs ko.
Pero imbis na tumigil siya nang mapansin niya yun ay mas lumala pa, nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at binulungan ako.
" Ang kinis mo naman miss" bulong niya at ipinatong ang kamay niya sa legs ko at hinimas ito na dahilan naman ng pagtaas ng mga balahibo ko.
"Ano ba kuya?!" Pasigaw na bulong ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa legs ko.
"Wag kang maingay" sabi niya na nakakatakot ang tono at parang may tinututok na ice pick sa tagiliran ko kaya para naman akong napako sa inuupuan ko.
"Subukan mo lang mag ingay pa at mamamatay ka ng wala sa oras." Pagbabanta niya at ipinatong ulit ang kamay niya sa legs ko and this time Hindi na ako nag ingay at nagdasal nalang na sana ay may makakita ng ginagawa niya.
"Hoy!! Ano yang ginagawa mo?!" Sigaw ng isang lalaki na naka black na mask at naka suot ng uniform na kagaya ng akin na ikinagulat ko naman at nakaagaw ng pansin ng mga pasahero pati na rin ng konduktor at driver ng bus.
"Ano bang pakielam mo ha?!" Sigaw naman nung mamang nakakatakot sabay tayo sa upuan at sinamantala ko naman ang pagkakataon na yun para makaalis sa kinauupuan ko at pumunta sa likod ni kuyang naka mask.