A/n: Hi guys! I will start the revision of this story na. Please expect na maraming part ang mababago since sinulat ko itong story na 'to years ago pa hshs. Thank you so much for the support and sa mga palaging nagme-message sa 'kin for update, ito na guys.
Bata pa lamang sina Chou Tzuyu at Jeon Jungkook ay ipinagkasundo na sila ng kanilang mga magulang na ipakasal pagdating ng panahon. Simula din pagkabata ay may pagtingin na si Tzuyu kay Jungkook ngunit kahit anong gawin ni Tzuyu ay talagang ayaw bigyang pansin ni Jungkook ang kanyang pagmamahal. Ang kanyang batang pag ibig ay tuluyan ng nawalan ng pag-asa dahil sa isang pangyayaring tuluyang bumago sa kaniyang pagkatao. Ang pagbabagong magiging dahilan din ng hindi inaasahang pag iiba ng ikot ng kanilang mga buhay at magtuturo ng mahahalagang leksyon na kanilang hindi malilimutan.