Chou Tzuyu's POV
(A/n: Read this Chap. Habang pinapakinggang nyo yung I loved you or I like you ng day6. Pwede rin namang kahit na anong sad songs.)Bago ako tuluyang lumabas ng Hospital ay nag-suot muna ako ng black mask.
Lumakad lang ako ng lumakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
........
Napapikit ako ng namalayan ko nalang na nasa Han River pala ako.
Tinignan ko ang paligid at marami akong nakita na couples at pamilya na nag-bobonding.
Umupo ako sa damuhan at nag-muni muni.
Naisip ko, paano kaya kung hindi kami mayaman? Paano kung wala kaming kompanya? Paano kung hindi ako kapatid ng isang sikat na idol?
Paano kung isa lang kaming normal na pamilya na nalabas tuwing linggo para mag-bonding. Paano kung isa lang kaming simpleng mga highschool students ni kuya na nangangarap.
Oo masaya ako sa kung anong meron ako ngayon. Pero minsan gusto ko rin magkaroon ng normal na buhay kagaya ng iba.
I removed my mask dahil wala naman masyadong tao at madilim naman sa pwesto ko, kaya paniguradong walang makakakilala sakin.
Pinikit ko ang mga mata ko at nilanghap ang sariwang hangin ng lugar. Napangiti naman ako dahil doon.
Pagkadilat ko ay tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang mga bituin.
Naalala ko yung mga tingin ni Jungkook sunbaenim kay Sana Unnie.
Yung mga mata nyang kumikinang na parang bituin habang tinititigan nya si Sana Unnie.
Ang kanina'y ngiti sa aking mga labi ay agad na nawala at naramdaman ko nalang bigla na may tumulong luha mula sa aking mga mata.
Bigla ko rin naramdaman ang lamig ng gabi.
Bat ako nasasaktan? Wala na akong nararamdaman diba? Malakas na gangster ako dapat hindi ako nasasaktan diba?
Natawa naman ako bigla sa naisip ko at pinunasan ang mga luhang patuloy pa ring bumabagsak mula sa mga mata ko.
Ay, Hindi nga pala sukatan ang pisikal na lakas para sabihin na hindi mo na mahal ang isang tao, na buo na ulit ang puso mong nawasak.
Napaiyak nanaman ako sa naisip ko.
Niyakap ko ang aking sarili at tumungo nalang habang patuloy pa rin na naiyak.
Kahit ngayon lang maging mahina naman ako.
Kahit ngayon lang bumalik yung dating Chou Tzuyu, yung mahina, yung masayahin,yung childish.
Kahit ngayong gabi lang.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may kumalabit sa akin.Bago ko lingunin kung sino man yon ay pinunasan ko muna ang mukha ko.
Pag-lingon ko nakita ko ang isang pamilyar na katawan. Naka mask kasi ito kaya di ko makita ang mukha nya.
Napa-kunot ang noo nya at nagsalita, nakilala ko naman siya agad dahil doon.
"Chou Tzuyu?" Tanong nya.
"Kim Mingyu?" Tanong ko rin naman sa kanya.
"Ako nga!" Tinanggal nya ang kanyang mask at ngumiti.
"Uy long time no see ah!" Sabi ko naman at nginitian siya na para bang hindi ako galing sa iyak.
Yung ngiting matagal ko nang hindi nagawa.
"Oo nga eh. Kamusta ka naman?" Pag-sagot nya sabay upo sa tabi ko.
