Chou Namjoon's POV
Maigi nalang at nailigtas ni mingyu si lil.sis kanina kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa kanya.
oo nga pala, kinuwento sa amin ni mingyu kung anong nangyari kanina sa bus habang nag papractice sila lil.sis.
"salamat talaga mingyu, baka kung ano na ang nangyari sa kapatid ko kung hindi ka dumating kanina" sabi ko habang tinatap ang balikat niya.
"tama na ang pag papasalamat hyung kanina ka pa eh hahaha. walang problema dun basta ang mahalaga walang nangyaring masama kay tzuyu" sabi niya sabay tap din sa balikat ko.
"oh! tama na ang drama niyo dyan! tapos na sila tzuyu! tara na!" sigaw sa amin ni jin hyung kaya tumayo na kami sa upuan namin at pumunta na kung saan si tzuyu para kamustahin siya.
"tara na!'' nakatayo na kami ng mapansin namin na nakaupo pa rin si yoongi hyung at nayeon, mukhang naiiyak si nayeon habang si yoongi hyung naman ay walang emosyon na makikita sa mukha niya.
"yoongi! nayeon! ayos lang ba kayo? bakit naka upo pa rin kayo dyan" tanong sa kanila ni jin hyung.
"a-ah ne oppa!" sabi ni nayeon sabay tayo at ngiti, medyo tumalikod din siya upang punasan ang kanyang mukha at naglakad na papunta sa backstage.
"eh ikaw hyung bakit naka upo ka pa dyan?" tanong ko kay yoongi hyung, tinignan niya lang ako at tumayo pagkatapos ay naglakad na rin papuntang backstage.
ano kayang problema nung dalawang yun? dati ko pa napapansin na parang iwas sila sa isa't-isa, tsk...tsk...tsk mga tao nga naman ngayon.
nagkatinginan naman kami at nag kibit balikat nalang "tara na nga" sabi ni jungkook kaya naman ay nagpunta na rin kami sa backstage.
Im Nayeon's POV
ano bang nagawa kong masama sa kanya? bakit naging ganun siya sakin? kinalimutan niya na nga yung pangako niya sakin dati, ganito pa ang trato niya sa akin ngayon.
alam kong naguguluhan kayo, but yes yoongi is my ex. naging kami nung 1st year highschool kami super sweet niya sakin walang araw na hindi niya ako binibigyan ng rose, but unfortunately after 5 months nakipag break siya sa akin pagkatapos ay bigla nalang siyang nawala nang hindi ko manlang alam ang dahilan.
after ng isang taon nalaman ko nalang na kpop idol na siya and ka group niya pa yung kuya ni dreshy ,eto ngayon cold ang trato niya sakin.
kanina nagkaroon ako ng pagkakataon na tanungin sa kanya kung anong dahilan bakit niya ginawa yun,pero alam niyo ang sinagot sakin 'you don't care' aba letse na yan!
you don't care?! anong klaseng sagot yun?! may paki ako kasi ako yung naiwan! ako yung nasaktan niya! aba'y gago pala siya eh!
"earth to nayeon" sabi sa akin ni dreshy, ay andito nga pala kami sa mall dahil nagyaya ako para makapag relax naman tsaka ang tagal na naming di nag bobonding.
"a-ah hehehe sorry" sabi ko sabay peace sign sa kanya, tinanguan niya lang naman ako.
papunta na kami sa starbucks ngayon para mag merienda, At sa di inaasahang pangyayari nakasalubong namin si jungkook kasama si eunha.
nag comeback na ba sila? wow ha sana di lokohin ni jungkook eunha *smirk*
tinignan ko naman si tzuyu sa tabi ko, kung anong reaksyon niya.
and as usual emotionless that's my girl.
sinubukan banggain ng malakas ni eunha si dreshy para matumba pero mission failed bwahahaha . bleeeh buti nga.