Chou Tzuyu's POV
*inside the plane*
Andito na kami ngayon ni dreshy sa loob ng eroplano.
Pagka-check in namin kanina umuwi na rin agad sila kuya, di naman nag-iyakan kasi mag-kikita din naman daw kami dun sa korea.
Naka-pwesto ako sa tabi ng bintana kaya kitang-kitang ko yung napakagandang view sa baba.
Ilalagay ko na sana yung earphones sa tenga ko, nang biglang yinakap ni dreshy yung isang braso ko.
"kinakabahan ako dreshy." namumutlang sabi niya.
Hinawakan ko yung kamay niya na nanlalamig.
"huwag ka mag-alala dreshy di naman siguro babagsak yung eroplanong sinasakyan natin." Pag-cocomfort ko sa kanya.
Pero imbis na mag-pasalamat pinalo pa ako ng pagkalakas-lakas.
"g*ga! ibig kong sabihin kinakabahan ako sa pagt-training natin sa jyp! hindi sa pag-sakay natin dito sa eroplano!" Pasigaw na sabi niya habang masama ang tingin sakin.
"shhh! wag ka ngang sumigaw. Nakakahiya ka." Sabi ko naman sa kanya.
Paano ba naman kasi sa lakas ng sigaw pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Natahimik naman siya at pumikit nalang para matulog.
Umirap nalang ako at nilagay na sa dalawang tenga ko yung earphones.
After a few hours....
Pababa na kami ng eroplano ni dreshy.
Nasa pintuan palang kami ng eroplano nararamdaman ko na ang pag-dampi ng malamig na hangin ng korea sa balat ko.
Na-miss ko toh. Ang tagal ko ding hindi nakabisita sa korea.
"wahh! welcome to South Korea!" biglang sigaw ni dreshy na may pataas pa ng kamay effect.
Kahit kailan talaga toh panira ng moment.
Napailing nalang ako at binilisan na ang lakad.
"oy! mag-hintay ka!" habol sakin ni dreshy.
"bilisan mo. Baka mamaya may reporters nanaman." chill na sabi ko habang patuloy pa din sa pag-lalakad.
"Nag-aalala ka ba talaga? kung oo hindi halata teh!" tss lahat nalang pinapansin.
"Ayun! ayun na yung sasakyan na pinadala ni Mr. Park!" sigaw niya sabay turo dun sa kulay puting van.
"yah! pwede bang tumigil ka na kakasigaw? nakakarindi ka na eh!" di ko na napigilan napasigaw na din ako.
"oo na! halika na nga!" sigaw niya ulit sabay hila sa akin.
Marunong ba talagang umintindi tong babaeng toh?
"Good Afternoon Ms. Im and Ms. Chou" bati sa amin nung driver sabay bow.
Nag-bow din kami at pumasok na sa loob.
Yung mga maleta naman namin nilagay na nung driver sa likod.
Pumasok na yung driver at nag-simula nang mag-drive.
After 1 hour...
Nakarating na kami sa building ng JYP Entertainment.
Pumasok na kami sa loob at may nag-guide naman duon sa amin papunta sa office ni Mr. Park.
Habang nag-lalakad kami sa hallway nadadaanan namin ang mga pictures ng mga idol groups under JYP ent. na naka-dikit sa pader.
Sana sa susunod pag-dadaan ako dito makikita ko na ring kasama kami ni dreshy sa isa sa mga pictures na nakadikit dyan.