CHAPTER 2: The Observant

26 2 0
                                    

LARA'S POV

Anna Arccua. Matalino, mabait at tahimik. Masaya ang pamilya. Nasa kanya na ang lahat ng bagay pero sa murang edad naranasan nyang mawalan ng ina. Namatay ang kanilang ina sa hindi malamang dahilan. Isang bagay na nakakalungkot, isang bagay na nagsasabing hindi lahat ng bagay ay maganda, isang katotohanang hindi mo makukuha ang lahat, isang pangungulilang hindi nanaisin ninuman... pero... ni minsan hindi ko nakita sa mga mata ng isang Anna Arccua...

Tatlong araw na akong nakamasid sa bahay ng mga Arccua. Tatlong araw nang walang lumalabas mula sa bahay na iyon. Tatlong araw na rin mula ng isugod sa ospital ang kapatid na panganay ni Anna. Nakapagtatakang wala akong nakikitang lumalabas sa kanilang bahay. Tinawagan ko ang ospital kung saan isinugod si Andy na kuya ni Anna. Pero wala man lang pumunta doon para alamin ang kondisyon nito.

Hindi  na ako malapit sa pamilya nila pero isa ako sa mga usiserang palaging nakikibalita sa takbo ng pamumuhay nila. Sabihin na nating "fan" nila ako. Bukod kasi sa mapera sila e di rin matatawaran ang kabaitan ng padre de pamilya nila. Si Sir Heart Arccua. Mabait at palangiti naman si Andy, panganay na anak at marami ang nagkaka gusto dito, gwapo kasi at matalino kaya nagtataka ako kung bakit parang wala atang pumunta sa Ospital para tignan ang lagay nito. Si Anna naman na bunso ang kakaiba sa kanilang pamilya. Hindi gaya ng ama at kapatid nya, hindi sya ngumingiti, lagi lang tahimik, matalino din ito dahil valedictorian ito nung high school, maganda at marami ang taga hanga, ang totoo, marami nag aakalang tomboy ako kasi mas interesado pa ako kay Anna kesa sa mga lalaki. Well, hindi ko sya crush! Sadyang curious lang ako sa kanya. Ang mga lolo at lola naman nila ay kilalang mga mabubuting pulitiko dito saming lugar. Gobernador ang Lolo nilang si Andreano Arccua at Bise naman ang lola nilang si Madam Anatasha Arccua----Kaya sa madaling sabi weird si Anna!

"Hoy Lara! Tulala ka na naman jan sa KRAS mong babae!" napatalon ako sa gulat nang biglang bumungad sa harap ko ang pinsan kong lukaret. "Abno ka talaga, hindi ka paba aalis? Anong petsa na?" dagdag pa nito. Muntik ko na makalimutan na maaga nga pala ako aalis, may ipapasa akong project sa school.

Bago ko malate, kumilos na ko para maghanda. Kakatitig kasi sa bahay na mala mansyon ng mga Arccua hindi ko na nagawang ituloy ang pagluluto kaya ito sunog. Ayaw pa naman ng mga pinsan ko ng sunog.
"Ayaw nyo ng subog diba?" tanong ko sa kanila. Sumama ang mukha nina Sam at Gly. Mga pinsan kong abnormal..

"Anong subog?" tanong ni Gly na nakasambakol ang mukha.

"Subog, sunog na sabog!" si Sam naman ang sumagot.

"HAHAHAHA" Tawa ko sa kanila.

Mula kasi ng mag kolehiyo kami, tumira na kaming tatlo sa iisang bahay, malayo sa mga magulang namin. halos magkaka edad kami.

Si Sam ay 16 First year college, Teacher ang kinuha nyang kurso. Si Gly naman ay 15, 4th year high school. Ako ang pinaka matanda, 18 at 1st year college, AB-Psychology. Oo at dahil yan ang kurso ko mahilig ako bumasa ng pagkatao ng kung sino sino.

"Ang husay mo mag aya." sagot ni Sam na hindi maipinta ang mukha.

"Ayoko talaga nyan!" sagot naman ni Gly na parang nangangasim ang mukha sa sobrang pag ngiwi.

"Edi good! ako nalang ang kakain! hehehehe" pang aasar ko sa kanila.

Nang matapos sa paghahanda, mabilis akong umalis ng bahay at dumiretso sa school. Nagmamadali akong nagbisekleta. Halos liparin ko ang kalsada dahil sa takot malate sa pagpasa ng project. Ayoko pa naman sa lahat ay yung nagmamadali lalo na ung prof ko eh masungit hehehe.

Pagdating sa school dumiretso ko sa faculty. Tyempo namang wala pa si Sir Ressu, ang prof namin sa Logic na masungit pero saksakan ng husay magturo. Sya ung prof namin na kahit dika mag notes, e matatandaan mo lahat ng dinidiscuss nya. Sa kanya lang ako natuto mag review. Aaminin ko, pumasa ako nung highschool dahil sa bespren kong magaling magpakopya hehe. Dito kay Sir Ressu hindi uubra ang ganon, hahatiin nya ang klase sa dalawa, per batch ang mag eexam tapos two sits apart. Kaloka sya pero dito din ako, kami natuto. Ganto ata talaga sa college, seryosohan ang labanan, kompetensya ang pasiklaban, lamang ang may alam, bokya ang shunga pero enjoy.

Nilagay ko nalang sa desk ni Sir Ressu ang project ko. Research yun about Kids. Basta anything about kids. Mga needs ng bata, sa loob at labas ng tahanan. Yan ding project- slash- research- slash- thesis ang rason ng paf iistalk ko sa Arccua Family. Although wala ng maliit na bata sa kanila inisip ko nalang na sina Andy at Anna ay mga batang paslit pa kesa naman sina Sam at Gly pa ang pag basehan ko ng observation ko e mga abnormal mga yun hahaha!!!

Don't forget to vote at libre din po kayong mag comment at mag suggest... THANK YOU!!!

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon