CHAPTER 5: Weird...

9 1 0
                                    


LARA'S POV

Ilang araw na ang lumipas mula ng bertdey ni Aya. Wala namang bagong nangyari. As in wala. Wala din akong nabalitaang kakaiba sa mga Arccua. Hindi na bago sakin ang halos araw araw na pagtetext, call at pangungumusta ni Shi samin, lalo na sakin. Parang baliw, di nalang ako diretsahin kung si Anna naman talaga ang gusto nya kamustahin. -_-

Sabado ngayon, at wala akong pasok, at wala din ako balak gumala, matutulog ako maghapon hehehe. ;)

p.s.
Mapapatay ko ang sinumang mang gulo sakin!

xD

-------------------------

SHIYO'S POV

Iniisip ko kung ano magandang gawin ngayong araw. Pupunta ba ko sa bahay ni Special someone ko o hahang out sa iba kong barkada?

Nag asikaso nako, naligo at nagbihis. Plano kong harapin si special someone. Kinuha ko ang isang bag na may lamang mga gamit ko sa school. Nakapa ko don ang isang ballpen... Isang ballpen na hindi ko alam kung sakin ngaba. Pamilyar ito lalo na ang printed design nitong penguin na naka salampak sa malaking yelo. Parang Yung bida sa Happy feet. Cute itong tignan sa kulay asul na lagyanan. Fountain pen iyon na halatang mahal. Weird lang kasi pambata ang design. Ginamit ko itong pansulat at nakakatuwang may tinta pa ito at masarap gamitin. Napangiti ako... pero kanino kaya ito at bakit ito nasa akin?

-----------------------------

LARA'S POV

"Punyeta"!!!
Sinabi ko ng walang gigising sakin pero ito may isang hinayupak ang malakas ang loob na panay doorbell sa labas at ang dalawang hitad kong pinsan ay wala para magbukas. Leche kung sino mang panay kalabit kay dingdong doorbell na yan pati mata nya lalatayan ko!

       Inis akong lumabas ng kwarto at Inaninag mula sa bintana kung sino ang nasa labas. " Sino ba yan? Bakit panay ka doorbell di ka man lang magpakilala?" singhal ko dito pero wala akong narinig na sagot.
     Muli ko syang sinigawan.           "HOY!!! Punyeta ka kung di ka magpapakilala, hindi kita pagbubuksan, mamuti mata mo jan pero di kita pagbubuksan!" Naghintay ako ng ilang segundo bago muling sumilip sa bintana, nahihirapan ako silipin ang mukha nito dahil sa nakaharang na hindi ko alam kung ano. Nanlaki bigla ang mata ko nang mapagtantong hindi lang isa ang bwisita ko.
--------------------------------

SHIYO'S POV

Hindi ko akalain na makakasalubong ko sa daan si Anna... Natanaw ko na sya mula sa waiting shed ng village papunta kina Lara. Naalala ko na magkapit bahay lang pala sila. Tanghaling tapat nun at di ko inaasahan na ang isang mayamang gaya nya ay naglalakad lamang pauwi. Wala man lamang syang sasakyan para maghatid sa kanya pauwi. Bumusina ako nang malapit na ko sa kinaroroonan nya. Wala man lang syang reaksyon na tila hindi nabigla sa pagbusina ko. Ibinaba ko ang bintanang salamin ng sasakyan ko.

"Hi, Anna, gusto mo sumabay sa akin, mukhang pauwi kana..." agad kong bati dito. Ni hindi ko sya nakitaan ng kahit anong reaction. Ganto ba talaga sya, parang robot? Wala ba talaga syang emosyon? Mga tanong sa isip kong hindi ko maisatinig.

"Oo, pauwi na ko." tipid nyang sagot, robotic parin ang emosyon nya.
"Ihahatid na kita." anyaya ko.
"Bakit?" tanong niya.
" Papunta kasi ko kina Lara, malapit ka lang naman don diba. Isasabay na kita." tugon ko.

Napakunot ang noo ko nang wala man lang syang sinabi.

Kusa kong bumaba ng sasakyan, kinuha ko ang ilang gamit nya at inilagay sa compartment, binuksan ko ang passenger seat at inalalayan syang maupo. Napaka submissive nyang babae. Napaka swerte ng magiging asawa nya dahil mukhang masunurin sya. Mukhang Hindi rin sya mahilig makipag away. Napakahinhin yun nga lang mukhang mahirap pangitiin.

Malaki ang Samiel Village kaya may ilang kilometro pa bago makarating sa bahay nina Anna o Lara.
"Pwede ba ko sumama sayo sa bahay nina Lara?" basag ni Anna sa katahimikan. Napangiti ako. Ewan pero parang masaya kong makasama pa sya ng matagal. Pero si Lara lang naman ang gusto ko.

Nasa tapat na kami ng bahay nina Lara. Wala silang gate kaya diretso na sa pinto kami. Nagpark ako ng maayos sa tapat nila. Mukhang wala doon ang dalawang pinsan ni Lara dahil wala don ang dalawang e-bike na pink at violet, yung kulay green lang ang nandoon na pag aari ni Lara.

Pababa na sana si Anna pero pinigil ko sya at mabilis na umibis ng sasakyan para pagbuksan sya.

    Hindi ako ganito sa ibang babae pero pagdating Sa kanya pakiramdam ko kaylangan ko magpaka gentleman sa kanya at dapat ko syang ituring na prinsesa. Kusa ko ginagawa ito ng hindi man lang pinag iisipan. Naka automatic ata ang katawan ko sa Hindi ko maipaliwanag na rason. May gusto ako kay Lara pero hindi ko ito ginagawa sa kanya. Ang weird... Ang weird ko pagdating kay Anna. Si Anna na kelan ko lang nakasama at nakilala.

Ilang pindot ng doorbell ang ginawa ko bago may marinig na pagkilos. Saka ko narinig ang sigaw ni Lara...

"Punyeta"!!! malakas na sigaw nito. Pareho kami tahimik ni Anna at di sumasagot kaya lalong lumakas ang sigaw ni Lara na ikina ngisi ko.
"Sino ba yan? Bakit panay ka doorbell di ka man lang magpakilala?" Napapailing nalang ako na napatingin kay Anna. Gusto ko na sana magsalita pero ang mga mata ni Anna na nakatingin din sakin ang nagpahinto sa anumang sasabihin ko. Nakakalusaw ang mga tingin nya. Bago pa ko mawala sa sarili ay muli akong tumingin sa pintuan.

"HOY!!! Punyeta ka kung di ka magpapakilala, hindi kita pagbubuksan, mamuti mata mo jan pero di kita pagbubuksan!" Halos mapatalon ako sa gulat. Oo nga pala si Lara nga pala ang pinunta ko at hindi si Anna, Hindi ako dapat natutulala ng ganito nang dahil sa kanya.

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon