Chapter 18: Out of Place

5 1 0
                                    

"Ikaw? Bakit wala ka man lang ginawa para ipagtanggol si Anna?" tanong sakin nung Lar nang mawala sa paningin namin ung isang babae.

"A-anong wala?" Takang tanong ko.

"Nakita ko lahat. Wala kang ginawa." sagot naman nito. Napakunot noo ako. Napaka atribida naman nito.

"Anong gusto mong gawin ko? Sigawan ko sya? Babae pa rin un." Mahinahon kong sagot pero naiinis na ko.

"Hayaan nyo na. Tapos na un. Ok lang naman ako." Pumagitna si Anna ko, dama nya ang tensyon sa pagitan namin nung titibo tibo.

"Wala ka naman palang kwentang boyfriend." baling parin sakin nung Lar.

Tatlong beses ko naipikit ang mga mata na napamaang sa kanya.

"Lar... Hindi ko sya boyfriend." Halos pabulong ni Anna pero dinig ko.

Napatawa at palatak ung Lar. "Tchik! Hahahahaa!!!" anlakas ng tawa nya.

"Anong nakakatawa? Oo, hindi pa nya ko boyfriend ngayon... HINDI PA, pero malapit na!" sagot ko at napa lakas ang boses ko.

"Wag ka ng umasang magiging kayo, dahil turn off sa babae ang mapabayaan ng lalaki sa oras ng kagipitan... gaya nung kanina." Pangisi ngisi pa ang tibo.

Hindi ako nakasagot. Napatingin lang ako kay Anna. Ngumiti lang sya sakin.

"Sino ka ba para pangunahan si Anna?" Anna ko... hindi ko na mabanggit ung salitang KO, pakiramdam ko hindi na ko karapat dapat. Tama ang Lar na to, hindi ko natulungan si Anna.

"Anna ko, gusto mo ba magpalit ng damit, basang basa ka. May extra shirt ako dito." Baling n Lar kay Anna. Oo nga, nakalimutan ko basa si Anna at magkakasakit sya pag di agad nakapag bihis. Nilabas ni Lar mula sa bag na dala ang isang itim na blouse. Parang panlalaki pa ata un pero wala naman ako karapatan magreklamo dahil Hindi naman ako ang susuot at wala ko ibang pwede ipahiram kay Anna ko.

Kinuha ni Anna ang shirt. Naghanap kami ng cr na pwede nya pagbihisan.

Habang nasa loob ng isang public cr si Anna ko para magbihis, panay ang tingin sakin ng masama nung Lar. Hindi ko na lang sya pinapansin.

Paglabas ni Anna sa public cr, namangha ako sa anyo nya. Hindi kagandahan ang damit na pinahiram nung Lar sa kanya pero bumagay ito sa simple nyang aura. Ang cute nyang tignan. Hehehe

"Bagay sayo." sambit nung Lar.

"Kahit anong damit ay bagay sayo, Anna." sambit ko naman. Tinaasan ako ng kilay ni Lar.

"Nako, binobola nyo ko. Tara na, kain tayo." sagot naman ni Anna.

''Sige na, kayo na lang, may pupuntahan pa kasi ako." saad ni Lar, mabuti naman at Hindi na sya sasama sa date namin. Panira lang sya pagsumama pa sya.

"Nako sayang naman Lar, ililibre pa naman kita, pa thank you ko sa pagtatanggol at pagpapa hiram mo sakin ng nitong astig mong damit." si Anna, gusto talaga ata nyang makasama tong tibo na to.

Malalim akong bumuntong hininga, pinapahalata ko talagang ayoko makasama si Lar. Hindi naman kasi pangtatlo ang date na to!

"Wag na Anna. Next time na lang, talagang kaylangan ko na umalis.

Wala ng nagawa pa si Anna, hinayaan nya ng makaalis si Lar. Ngiting tagumpay naman ako nang makaalis ito at muli kong masolo si Anna ko.

-------------------------
ANNA'S POV

Mataman kong pinag mamasdan ang dalawa saking harapan. Nakakatuwa sila. Pareho silang nais na ipagtanggol ako at pareho silang nagmamalasakit sa akin pero mukhang hindi sila magkasundo.

Nagpaalam na si Lar na aalis, may gagawin pa daw sya at wala naman ako magagawa para pilitin pa syang sumama sa amin ni Shiyo siguro ayaw nya kasama si Shiyo at ganun din itong huli.

Sana balang araw maging magkasundo din sila. Palagay ko marami silang mapagkakasunduang bagay kung susubukan lamang nilang magkilanlanan ng isat isa. Magiging mabuti silang magkaibigan.

"Anna, san mo pa gusto pumunta?" Tanong ni Shiyo, bigla ako natauhan mula sa malalim na pag iisip. Nakatulalang nakangiti lang pala ako kanina.

"Hanap tayo makakainan." Tugon ko naman sa kanya. Napangiti sya.

"Akala ko dahil sa nangyari kanina, gugustuhin mo nang umuwi." Sambit nya. Napaisip naman ako. Ganun ako kadalasan, kapag biglang may mangyari na di inaasahan mas nanaisin ko pang umuwi na lang at mag mukmok pero ngayon di ko naisip na umuwi na lamang. Sa halip mas gusto ko pa ngayon kumain at makasama pa si Shiyo. Hindi ko man inaasahan ang nangyaring pagkakabasa sakin ng di ko kilalang babae, nagustuhan ko naman ang pakiramdam na may nagtatanggol sa akin. May nagmamalasakit sa akin at hindi lang yun isang tao... Nakaramdam ako kanina na marami ang nagmamahal sakin.

"Uuwi ako kapag napagod na ko sa buong araw na to. Isa pa, pinagtanggol nyo ko kanina kaya walanh rason para magmukmok." Nakangiti kong sagot.

Sa buong araw na un na kasama ko si Shiyo, napakasaya ko. Kung san san kami nagpunta at marami kami ginawa. Sa mall nag games kami at kumain ng kung ano ano pati mga street food di namin pinalampas.

Sa piling ng mga bulaklak at halaman nagsimula ang pag usbong ng nararamdama. Akala ko nung una dahil lamang ito sa pagkakaibigan naming sinubok na ng Panahon ngunit sa araw na ito natiyak ko ang aking nararamdaman. Ang saya na nararamdaman ko ngayong dalawa lamang kami. Hindi ito dahil sa pagkakaibigan kundi dahil sa pag ibig.
--------------



UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon