Chapter 13: Guys Are Inlove

8 1 0
                                    

SHIYO SYLLVESTER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SHIYO SYLLVESTER

SHIYO'S POV

Kasama ko si Anna. Wala na atang mas sasaya sa pakiramdam ko ngayon. Masaya kaming nakasakay sa roller coaster kahit pa hilong hilo na ko sa pangalawang sakay dito. Samantalang sya parang di nakakadama ng pagkahilo.

Masarap sa pakiramdam. Umiikot man ang paningin ko dahil kasabay ng bawat ikot nito ay ang pag ikot ng mundo ko na si Anna ang kasama, katabi at kahawak kamay. Ang malambot nyang kamay ang hawak hawak ko.

Ang saya ko...

Napakasaya ko...

Sobrang saya!

-

---------------------------------------

ANDY'S POV

"Ang gulo ng bahay mo." Bungad ko kay Lara nang makapasok sa apartment na inuupahan nya.

"Wag ka na mag reklamo at hindi naman ikaw ang nakatira dito." walang ganang sagot ni Lara.

"Gusto mo ba magpa utos ako sa mga katulong namin na linisin itong bahay mo?" pagboboluntaryo ko.

"Wag na. Nakakahiya." pagtanggi nya.

"Bakit ka mahihiya, mag kapitbahay naman tayo.

" Neighbors lang tayo, di tayo magka ano ano, isa pa ayoko mapag tsismisan na manggagamit na kaibigan. Di bale na kung pagkain yan di ko tatanggihan. Lalo na kanina pa ko gutom kaya kesa pinakekelaman mo tong bahay e bakit di pa tayo umalis at nang mailibre mo na ko ng siomai." Mahaba nyang saad. Sa tono ng pananalita nya halata kong wala sya sa mood.

"Sige, alis na tayo." tanging naisagot ko...

Pagdating sa mall agad syang naghanap ng makakainan, mabilis syang maglakad na parang walang kasama, sumusunod lang ako sa kanya na humahabol sa bilis nya. Gutom na nga siguro sya.

Huminto si Lara sa tapat ng isang Chinese food. Binilisan ko ang paglapit sa kanya at nang magkatabi na kami ay agad naman syang humarap sa akin. Tumaas ang kilay nya.

"Dito mo ko ilibre Bro Ands. Gusto ko ng siomai." Maotoridad nyang sabi.

"Sure. Tara sa loob." pag aaya ko.

Pagkaupo namin sa bakanteng pwesto agad naman may lumapit na waiter sa amin. Inabot nito ang menu pero di ko pa ito nabubuksan nagsalita na si Lara.

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon