Chapter 12: Double Date

9 1 0
                                    

SHIYO'S POV

Excited akong nag text kay Anna, niyaya ko syang lumabas at agad syang pumayag kaya mabilis akong mag asikaso. Susunduin ko sya sa kanila.

Maya maya lang nag ring ang cellphone ko. Nag text si Yutor, ang kakambal ko. Nag aaya ito sa mall. Agad akong nag reply para sabihan itong may iba akong lakad at kay Andy na lang mag pasama. Maya maya lang ay hindi na ito nakuntento at tumawag na.

"Shi, please samahan mo ko mamili sa mall, may gusto kong regaluhan e." Makaawa ng kapatid ko.

"Para kanino ba?" tanong ko.

"Basta para sa babae, alam mo naman wala akong alam sa mga ganito diba. Please bro help me."

"May lakad kasi ako ngayon, lalabas kami ni Anna. Actually sa mall din ang punta namin ngayon, pero maiistorbo mo date namin kung sasabay ka pa."

"Hindi ako pwede magsabi kay Andy." malungkot nitong sambit. Nagtaka ako, silang dalawa kasi ang pinaka malapit saming apat.

"Bakit naman hindi ka pwede magsabi kay Andy?"

"Kasi... iisang babae lang ata ang gusto namin..." pag amin nito na labis kong ikinagulat.

"What?! You like Gracy?!!" Sambulat ko at nanlaki ang mga mata ko.

"Loko hindi si Grasya ang tinutukoy ko! Ibang babae!" Sigaw nito sa kabilang linya. Laking pasalamat ko at hindi si Gracy ang gusto nya. Marami kasi akong naririnig na di magandang balita tungkol sa babaeng yun.

"Bakit may iba na bang gusto si Andy? Bakit parang wala akong alam?" tanong ko dito.

"Kasi masyado kang abala sa mundo mo na kung saan si Anna lang ang nag eexist!" sigaw na sagot nito.

"Oo, dahil si Anna lang talaga ang nag eexist sa mundo ko." segunda ko.
-----------------------------------------

ANDY'S POV

Palabas na ako ng sala nang mag vibrate ang cellphone ko, nag text si Shiyo na may lakad sila ni Anna... kung ganon hindi lang pala ako ang may date ngayon. Sinabi din nitong gusto sana sumama sa kanila ni Yutor pero tumanggi sya at nakiusap na ako nalang ang sumama sa kapatid nya at may bibilin daw ito. Hindi ba sya makabili ng mag isa at gusto pa na may kasama?

Nagpatuloy ako sa pagbaba sa hagdan nang bigla kong makasalubong ang nakababatang kapatid. Bihis na bihis ito at halatang nag ayos ng husto.

"San lakad ng prinsesa?" Malambing kong tanong kay Anna. Nakasuot sya ng peach dress at doll shoes, simple lang ito pero litaw na litaw ang natural nyang ganda.

"Kuya... lalabas lang kami ni Shiyo. Nagpapasama ko manood ng sine." mahinhin nyang sagot habang kinukotkot ang hawak na pink sling bag. Napangiti ako, halatang nahihiya sya umamin sa akin na may date sila ng manliligaw.

"Sasagutin mo na ba sya?" diretsabg tanong ko. Namula ang buong mukha nya.

"H-hindi, ano kuya, hindi ko pa sya sasagutin!" nauutal pero malakas nyang sagot. Lalo naman akong napangisi.

"Hindi pa? Pero kayong dalawa lang ang magkasama? Balita ko gusto daw sana sumama sa inyo ni Yutor kaso tinanggihan ni Shi dahil may lakad kayo. Nagtext sakin si Shiyo."

"Hindi ko alam na gusto pala sumama ni Yutor, p- pwede naman sya sumabay sa amin ni Shiyo..." mahina nyang sagot. Napangiti lang ako at tumango.

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon