Chapter 16: A Sad Love Story

12 1 0
                                    

ANDREI "ANDY" ARCCUA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANDREI "ANDY" ARCCUA


----------------------------
LARA'S POV

"Walang forever! De joke lang!" bungad sakin ni Bro Ash. Kaklase ko sya sa isang subject.

Di ko alam kung ano ibig nyang sabihin. Napatingin ako sa direksyong tinitignan ni Ash, sina Andy at Gracy ang nakita ko. Tama sya walang forever... pero di kami bitter! Nagsasabi lang ng totoo!

Nakakaasar ang pagmumukha ni Disgrasya, ang haba ng baba at ung ilong sarat! Pweeehhh! Maganda pa sa kanya si Ash kung naging babaeng babae lang tong tibo na to.

"Bro Ash, diba marunong ka makipag basag ulo? Turuan mo nga ako." Biglang sabi ko, napatulala naman sakin ang loko.
-----------------------------
"Takteng ina najejebs na ko!" biglang sigaw ko habang nakatingin sa paparating na naglalakad sa hallway. Sina Andy at Gracy ang paparating.

"Tokwa ka nakita mo lang ung mag syota natatae ka na? HAHAHAHA." Tawang tawa si Ash.

"Oo, nakakita kasi ako ng inidoro." pagpaparinig ko. Napatingin si Andy, yumuko lang ito nang magtama ang mga mata namin.

"Woy Bro Ands, sino ba yang kasama mo? Yaya mo?" pang aasar ko.

"Si Gracy, girlfriend ko." pakilala nya. Kunwari pa malungkot pero kunwari lang talaga ganyan naman mga lalaki pag wala si Jowa naghahanap ng iba. Mga Hinayupak!

"Woaaaaahhhhh!!! GIRLFRIEND? Wahahahaha!!!" tawa ko pero deep inside takte umiiyak ang lamang loob ko! Hinayupak na babae nakataas pa ang kilay kala mo naman maganda. PWEEHHH!

"Do you have a problem with me?" panggap mabait na tanong ni Disgrasya. Mukhang sanay ito magpa inosente sa harap ng ibang tao, parang hindi sya ung gumulpi sakin kung umasta.

"Yeah, I have a problem, and my problem is you... and your boyfriend." diretsahang sabi ko wala ng paligoy ligoy, gulo kung gulo!

"Ano problema Lar?" tanong naman ni Andy. Ang kingina Patay malisya ano nagka amnesia?!

"Problema ko kayong dalawa. Sweet sweetan kayo dito samantalang kahapon pareho nyo kong tinarantado." mapait kong sagot sa malumanay na tono na sa sobrang lumanay para na kong anghel kung magsalita.

"Andy Let's go, we don't need to waste our time here." maarteng sambit ng Disgrasya.

"I'm sorry Lar... I'm sorry kung nagalit ka sakin. Pero maniwala ka, totoo ung sinabi ko kagabi." Parang bukal sa puso na saad ni Andy. Parang lang kasi ginagago ko nito. Totoo daw ung sinabi nya kagabi pero sweet sila ng bruha nyang jowang mukhang bakla. Ano totoo don? Ung gusto nya ko o ung ginagago nya ko?!

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon