CHAPTER 6: Two Ladies

11 2 0
                                    

SHIYO'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SHIYO'S POV

Nasa loob na kami ng bahay nina Lara. I feel awkward. Mukhang bad mood si Lara dahil naistorbo ang tulog nya, si Anna naman parang manika lang na hindi umiimik at walang reaksyon. Di ko tuloy alam pano magsisimula ng usapan.

"Ba't napadalaw kayo? Talagang sabay pa kayo ah? Oh baka naman nagdate pa kayo?" Nakangising basag ni Lar sa katahimikan.

Pinigil ko mapangiti, ayoko isipin nilang kinilig ako. "A-ah h-hindi ano nagkita lang kami sa ano... sa-aaa----" nauutal kong sabi.

"Sa waiting shed." putol ni Anna sa sasabihin ko. Wala parin syang reaksyon.

"So you mean... nagkita kayo?" taas kilay at nakangising sagot ni Lar.

"Hindi. Nagkataon lang. Walang dahilan para magkita kami ng sadya." Seryosong sagot pa ni Anna.

Pakiramdam ko may kirot akong naramdaman. Hindi ko alam kung bakit.

Naglabas ng makakain si Lar. Kaunting prutas, saging, mansanas at pinya. Nagpa deliver naman ako ng pizza at soft drinks, naglabas naman ng mga chichirya si Anna mula sa kanyang malaking paper bag ito ung dala nya kanina nang magkita kami sa waiting shed.

Madaldal si Lar bagay na kinatuwa ko samantalang panay lang kain ng chichirya at pizza si Anna.

Nalilito ako. Naguguluhan...

Sigurado ako na gusto ko si Lara. Kakaiba sya sa mga babaeng nakilala ko. Napaka natural nya at hindi sya nahihiya sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanya. Hindi maarte. Pwede mo isama sa kahit na anong lugar at iharap sa kahit na sino...

Si Anna...

Si Anna naman ang nagpapagulo sa isip at puso ko.

Kailan ko lang sya personal na nakasama pero pakiramdam ko matagal ko na syang kilala. Pakiramdam ko hindi bago sakin ang lahat ng nakikita ko sa kanya. Pakiramdam ko ilang ulit ko na syang nakakasama... Pakiramdam ko madalas ko na syang nakakausap, nakaka salamuha at nakakasama... matagal ko na syang kilala pero wala akong maalala...

Wala akong maalala sa ilang detalye ng buhay ko. May sakit ako. Sakit na pilit ko ikinukubli sa karamihan lalo na sa mga kaeskwela ko. Ilang kaibigan ko lang ang nakakaalam ng kondisyon ko. Kapag may taong di ko matandaan nagpapanggap ako na kilala ko sya. Ayoko ng kinakaawaan ako.

Nag movie Marathon kami. Una naming pinanood ay lovestory. A Walk To Remember. Nakakatawa dahil sa aming tatlo ako ang pinaka tutok sa panonood. Si Lara parang inaantok. Si Anna naman parang di gusto ang story. Ako ung apektado sa mga eksena lalo na nung iyakan, halos maiyak ako pinipigil ko lang. Nagmukha tuloy akong bading.

Sumunod namang movie ang comedy action. Johny English. Si Lara ang pinaka malakas ang tawa. Natatawa din ako pero wagas ang tawa nya. Si Anna naman wala pa ring reaction.

Ang huli naming pinanood ay Suspense Horror. Hindi naman ako matatakutin at gaya ko wala ring mababakas na takot kay Lara. Matapang talaga sya. Si Anna naman ay nakakunot ang noo at napapapikit sa twing nakakatakot na ang eksena. May reaction na rin sya sa wakas. Napabulong ako sa hangin. Napatingin sakin si Lara, at kitang kita ko ang ngisi sa labi nya na waring nanunukso.

Namatay ung bidang lalaki sa kwento at umiyak ng husto ung bidang babae. Humagulgol ito... na sinabayan ni Anna...

Gulat kaming napatingin ni Lara sa kanya. Namumugto na ang mga mata nya kakaiyak. Grabe epekto sa kanya ng pinapanood.

---------------------------------

LARA'S POV

Hindi ko alam kung matatawa ba ko o maaawa kay Anna. Mukha syang baliw sa pag iyak. At ito namang si Shiyo obvious na naaawa. Obvious din mga galawan nyang may something sya para kay Anna.

"Ano ba nakakaiyak sa kwento? Yung namatay yung bidang lalaki o ung nabuhay ung killer ghost?" bigla kong tanong. Npatingin si Anna sakin, ang cute ng mga mata nyang namumula parang anytime ready nya na ko sapakin hahaha!

"Nakakaiyak ung katotohanang namatay ung lalaki na hindi man lamang sya naalala ng babae. Walang ideya ung babae kung gaano sila nagmahalan noon. At masaklap pang ung killer ang nag tagumpay sa huli. Naaawa ako para sa babae, nabuhay nga sya pero wala naman syang alaala wala syang pagkaka kilanlan sa sarili nya." Sagot ni Anna na hindi naman sakin nakatingin kundi kay Shiyo, na kasalukuyan ding nakatingin sa kanya. Nagtitigan sila. Parang nag uusap sa isip. "Hmmm... infernes bagay na bagay sila..." Bulong ko sa hangin, bigla namang sumilay ang ngiti ni Anna, isang bagay na ngayon ko lang nasaksihan... pero bakit parang ang CREEPY NYA!!!

Don't forget to vote at libre din po kayong mag comment at mag suggest... THANK YOU!!!

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon