CHAPTER 15: Pagbaling

13 1 0
                                    

LARA DAYDOUJIE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LARA DAYDOUJIE

KINABUKASAN...

LARA'S POV

Napaka lungkot ng araw na ito para sakin. Gustong gusto ko makita sina Ands at Yuts pero pinipigilan ako ng sarili ko. Hanepppp may sumapi ata sa katawan ko kaya dumudoble ang pag iisip ko... This is NOT ME!!!

Palabas na ko ng bahay nang makita ko ang pamilyar na sasakyang lumabas sa gate ng malaking bahay na katapat ng apartment ko.

Nakita ko sa tinted na bintana ang mukha ni Andy na syang driver at may katabi syang babae... Natitiyak kong ang babaeng yun ang babaeng gumulpi sa akin kagabi. Parang muli akong ginulpi ng paulit ulit sa nakita ko.

Nakatitig lang ako sa kanila... Parang di nila alintana ang paligid kahit pa nasa loob sila ng sasakyan dapat di sila ganun ka sweet. Nakasandal pa ang babae sa balikat ni Andy. At ang lalaki namang un kala mo di nagtapat sakin, kung maka akbay sa syota kala mo may aagaw... buti sana kung super ganda e mukha namang paa! PWEEEEHHH!!!

Inismiran ko sila kahit pa hindi nila ko nakikita. Umalis na ang sasakyan nila at nang maka alpas ito sakin ay saka ko ako nag angat ng kamay sabay...

"Pakyu sa inyo sagad!" sigaw ko sabay taas ng mid finger ko. Mga bwisit sila makagat sana sila ng malaking ipis sa mukha!

Nakakakulo ng dugo.

Nakakapang init ng kalamnan. Parang gusto ko sugurin si Andy ngayon mismo para ipaalala sa kanya na kagabi lang umamin sya sakin na gusto nya ko na kesyo iiwan nya na ang syota nyang mukhang paa at takteng ina nya isa syang dakilang PAASA!!! Bagay talaga sila isang MUKHANG PAA AT ISANG PAA-SA!

Nagmadali akong sumakay ng bike, plano kong habulin ang mga paa este ang magjowang paa.

"Argg!! Napaigtad ako sa sakit ng madama ang pagsakit ng balakang ko. May pilay ako don gawa ng pambubugbog ni Gracy Paa. Kagabi ko pa ito nararamdaman binabalewala ko lamang ito gawa ng mas matindi ang nararamdaman kong sakit sa kalooban.

Halos hindi ko maipadyak ang paa sa pedal ng bisikleta. Hindi ko pa ata kayang magbike ngayon. Wala pa naman akong sapat na pera para magtaxi. Kasalanan ito ni Gracy paa isa syang malaking DISGRASYA sa buhay ko!

Sa sobrang sama ng pakiramdam ko naisipan kong mag taxi nalang. Bahala na maubusan ng budget kaylangan ko maipasa ang tulang ginawa ko. At balak ko ding sumali sa poster making kaya naman di ako pwede umabsent.

Buwan ng Wika kaya naman abala ang buong school para sa gaganaping event next week. Pagdating sa campus agad akong nagpalista para sa Poster Making Contest at Poetry Writing Contest. Pinasa ko na din ang tatlong entry ko ng tula.

Malaki kasi ang epekto ng pagsali sa ganitong mga pa contest sa school sa grades lalo na kung mananalo. Bukod pa sa cash prize malaking tulong ito sa grades ko. At posibleng mabawasan din ang matrikula ko kung mataas ang markang makukuha ko. Sa ngayon kasi ay hirap ako sa mga bayarin. Ang hirap maging mahirap.

---------------------------

Hindi gaano karami ang pila sa campus para sa mga gusto magpasa ng entry nila ng tula. Siguro nasa 20 -30 lang ang sasali. Isa sa makakalaban ko si Lila... Sa pagkaka alam ko marami syang sinalihan para sa buwan ng wika. Napaka competitive talaga ng isang to. Kasali din sya poster making, story writing, drama, at singing contest. Ako poster making at poetry writing lang. Wala namam kasi akong talent sa pag awit o pag sayaw.

Nasa policy ng event na gaganapin na bigkasin sa stage ang tulang sinulat. Kinakabahan ako at may screening din.

Walang masyadong klase ngayon dahil abala ang lahat para sa event.

Nasa tapat ako ng nakasaradong pintuan ng theatre hall. Dito ang screening para sa mga sasali sa pag gawa ng tula. Binuksan ko ito at bumungad sakin ang nakatayo sa harapan na si Lila. Mag uumpisa palang sya sa kanyang pagtula...

NAGUGULUHAN
by Lila Solomon

Nandito kana naman
naka pwesto saking harapan
ang hirap mo naman iwasan
di tuloy makakilos aking katawan...

Ako naman si sulyap tingin
parang sirang naaaning
ang hilig mo pang ako'y kulitin
panong di ako kikiligin...

Todo selos pa si ako
kahit di naman ako ang girlfriend mo
Ang hirap naman ng ganito
kailan ba ako mapapasayo|...

Ni kahit magbigay motibo
dehado parin yata ako
di naman kase ako iyong tipo
dapat na sigurong itigil ko na to...

Naguguluhan na ako sayo
di malaman kung ako'y iyong gusto
siguro nga'y feelingera ako
may puwang nga ba ako sa puso mo...

Nagpalakpakan ang lahat, napaka natural ng pagtula nya maging ang bawat pangungusap nya. Hindi malayong manalo sya sa tema ito.

Mayroon kasing tatlong kategorya ang Balagtasan o poetry contest.

Una ay Positibong pagsulat na syang ginawa ni Lila, dito kahit anong tema pwede, gaya ng pag ibig, pagkakaibigan o pamilya. Ikalawa, Mapanuring Pagsulat, dito naman ang tulang ay tungkol sa pananaw mo sa daigdig, gobyerno o kalikasan. at ang ikatlo naman ay ang Malayang Pagsulat, ito naman ay tulang tungkol sa sarili. Mga bagay na ayaw, gusto mo o nais mong gawin... Sa tatlong kategorya na yan pipili ang mga hurado ng mangunguna. Tig isa sa bawat kategorya at pagsusumahin nila ang makakakuha ng pinaka mataas na marka na syang tatanghaling "Utak ng Balagtasan." Meron din syempreng tatanghaling pinaka mahusay sa pagdedeliver ng tula.

Sana may mapanalunan kahit isa kahit pangatlo wag lang talo.

Para magkapera...

Para maibaling sa ibang bagay ang sarili ko...

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon