Chapter 14: That Bitch

6 1 0
                                    

GRACY DEVAJON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

GRACY DEVAJON

BEFORE THE DATE

LARA'S POV

Excited na si ako makagala hehehe perstaym ko malilibot ang mall at pati na ang city sabe kasi ni Ands ipapasyal nya ko kaya naman hinanda ko na pinaka astig kong porma! Syempre ung pamVAVAE pang Gurlalu at hindi ung usual kong porma na pantibo hahaha!

Date kaseeee un!

Arggghhh makikipag date ako sa lalaki!

Nakaka kaba na nakaka excite!

Ang plano ko manunuod muna kami ng sine ung LAB ISTORI para romantic. Habang kumakain ng popcorn para feel na feel hehehe!

Tapos nun aayain ko sya sa ferris wheel sabay naming panonoorin mula sa itaas ng alapaap ang ibat ibang kulay ng fireworks! SO romantic!!!

At kapag nagutom na kami, kakain kami sa isang romantic na restaurant ung may kandila sa gitna ng mesa!!! Pasta ang kakainin ko para babaeng babae naman un dating ko kunwari mahinhin, tapos sasadyain ko malagyan ng sauce ng spaghetti ung bibig ko tapos pupunasan nya ng tissue! SHEEEEETTTT ang sweet nya!!! Ang romantic talaga!!!

Tapos... tapos! tapos!!!

BUZZZZ!! BUZZZZ!!

Panira ng day dreaming ko si Dingdong doorbell ...

Sa pag aakalang si Andy na ang dumating ay agad kong binuksan ang pinto nang hindi muna sinisilip ang bintana para alamin ang dumating na lagi ko naman ginagawa ngayon lang hindi dahil sa sobrang excitement.

Bumungad sa akin ang isang di kilalang babae...

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Taas kilay at naka pamewang.

"Sino ka?" Tanong nito. Agad akong napangisi.

"Ikaw ang sino ka? Ikaw ang nag doorbell dito sa bahay ko kaya ikaw ang maunang magpakilala." Maangas kong sabi.

"Well, ako lang naman ang girlfriend ni Andy na nilalandi mo." pinagkadiin diinan nya pa ang salitang girlfriend.

"Oh tapos?" pang aasar ko sa kanya.

"Tapos? Layuan mo na sya."

"Paano kung ayoko?" pang aasar ko uli.

"Edi ito ang mangyayari sayo!"

PLAAKKK!!!

SINAMPAL nya ko ng pagkalakas lakas! Hindi pa ko nakaka recover nang biglang hinablot nya ang kwelyo ko at nginudngod ko sa sahig. Isinara nya ang pinto nang maipasok nya ko sa loob ng bahay, sa sala at doon nya ko pinagsasampal. Wala akong nagawa kundi tanggapin lahat ng sakit. Sinabunutan nya ko, kinalmot nya kung san saang parte. Di ako makalaban mukhang sanay sa ganung away ang babaeng ito... At hindi ako marunong sa ganto.

Kahit kelan di ko pa naranasan makipag away sa kahit kanino. Ganito pala pakiramdam na makipag sabunutan... mali ng masabunutan pala... dehado ako, wala akong laban...

Halos ibato nya ko sa kung san san. Naumpog ako sa sahig, naumpog sa sofa at maging ang mga mahawakan nyang bagay ay binabato o hinahampas nya sakin. Wala syang pake kahit ano pang mahawakan nya. Naipalo nya sa likod ko ang nahawakang walis tambo.

Puro aray at pagdaing ang nagawa ko. Wala akong ganti kahit isang beses. Natakot akong lumaban. Natakot akong makasakit.

"Hindi lang yan ang gagawin ko sayo oras na malaman kong nakikipag kita kapa kay Andy!" Pagkasabi nun ay inayos ni Gracy the Bitch ang sarili nya at lumabas ng bahay ko. Naiwan akong nakahiga sa sahig at tulala.

Ako si Lara... 16 years old Business Ad students. Maangas, boyish, pero nabugbog ng isang babaeng ngayon ko lang nakita, ang babaeng nobya ng lalaking gusto ko.

Dahan dahan akong tumayo.
Tiningnan ko ang buong sala.. Napaka gulo non. Kung san sang parte ba naman kasi ko binalibag ng babaeng un.

Lumapit ako sa Vanity Mirror at pinagmasdan ang sarili. Sira sira na ang dress na suot ko. Puro kalmot ang leeg, dibdib, braso at pisngi ko.

Nagpalit ako ng damit. Simpleng damit nalang ang sinuot ko. Ung usual na suot ko na gray long sleeves  na pang unisex at ripped jeans then rubber shoes na binili ko sa ukay ukay. Basta ko pinusod ang buhok ko nang hindi sunusuklay. Ang mukha kong may kalmot naman ay pinunasan ko ng wet wipes... Tangina naiiyak ako. Hindi sa sakit o hapdi ng mga sugat ko kundi dahil sa awa sa sarili. Tama naman ung Gracy na un, hindi ko pwede magustuhan si Andy dahil taken na sya.

Nilagyan ko ng kaunting concealer ang parteng may kalmot. Kahit paano di na mahahalata ang mga sugat na un.

Matapos mag ayos ng sarili ay kinuha ko ang cellphone, dinial ko agad ang numero ni Andy... sasabihan ko syang wag na ituloy ang lakad...

Hinanda ko ang sarili ko para hwag nyang mahalata ang lagay ko. Ang lagay ng puso ko...

"Hoy Andy!!! Takte ka namumuti na eyebags ko este eyeballs ko!!! GUTOM NA GUTOM NA AKO!!! Anong petsa na?!! Tuloy ba tayo sa lakad natin o lulumpuhin kita?!" Sigaw ko agad sa kanya nang sagutin nya ang tawag... Mali!!! Dapat ang sasabihin ko sa kanya ay hindi kami tuloy! Mukhang hindi ko pa kaya layuan ang lalaking ito...

"Hindi ko kayang layuan ka Bro Ands, kahit pa siguro sugurin ako uli ng babaeng un... Hindi pa kita kayang layuan..." bulong ko na inilayo ng bahagya ang hawak ng cellphone...

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon