CHAPTER 3: The Party

25 2 0
                                    

LARA'S POV

Pauwi na sana ako galing sa nakakapagod na pagsisipag sa pag aaral, CHOSSSS! Napagod ako kakatulog sa klase kanina na muntik pa ko mahuli ng Prof hehe.
"Bro Lar!" tawag sakin ng kumpare kong Shomboli bambi, este titibo tibo kong klasmeyt. Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng hallway diretso bahay na sana ko kasi nga mabait akong estudyante. Kaso itong kumpare ko kanina pa ako niyayayang magliwaliw sa kung saan.

"Yeah wazzup Bro Ash?" bati ko naman dito. Ngiting ngiti ito feeling ko tuloy kras nya ko nyahahaha.

"Ano bro? Sama ka mamaya? Beerday ni Aya. Balita ko maraming chicks mamaya. Malay mo dito mo na makita ang nilalang na sasagot sa gender identification mo!" ang hinayupak sya pa namroblema sa kasarian ko.

"Siraulo! Matagal nako sigurado sa gender ko! Baka ikaw may gender eklabu! Saka knows mo naman na di ako mahilig sa ganyang party. Sina Sam at Gly nalang ayain mo!" sagot ko naman dito.

"Tatlo kayong pumunta, para di ka mahiya, kung may hiya ka man, sa pagkakaalam ko wala ka nun hahaha!" tinawanan pa ko tibong payat na to.

"Yoko nga." tipid kong sagot. Ayoko talaga sa mga birthday party. Nabasa ko kasi sa bible na ung mga nag celebrate nun e mga pagano. Oh diba ambait ko nagbabase ko ng bible.

"Sayang naman, pupunta pa naman si Anna don mamaya, invited sya ni Aya." kunwari nyang bulong pero naririnig ko. Bigla ako nagkaron ng interest. Pupunta si Anna sa birthday samantalang di ko sya nabalitaang dumalaw sa kuya nya sa ospital. tsk tsk tsk....

"Sige, pupunta ako mamaya, pero saglit lang." bigla kong sabi. Pagkakataon na to para malaman ang mga bagong chika sa pamilya nila. Imbestigador lang ampeg bwahahaha.

Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Ash, nanlalaki pa ang mga mata sa saya.

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" hinayupak na tawa nya. Halos maiyak na sya kakatawa, nababaliw na talaga sya.

"Isang tawa mo pa, ihahampas na kita sa semento!" seryosong sabi ko rito. Bahagya naman syang sumiryoso, pilit na pinipigil ang tawa. Para na syang mamamatay sa kakapigil.

"Ang magic word para mapapayag ang isang Bro Lar. Alam na alam ko na..." pigil sa tawa nyang sabi. Nababaliw na si Ash. Ano bang pinag sasabi nito?

"Huh?! Ano sinasabi mo dyan?" inosenteng tanong ko.

"Wala! Basta pumayag kana. Sabay tayo pupunta mamaya. Susunduin ko kayo. Magbisekleta tayo." pigil parin sa tawa nyang sabi.. pautal utal.. parang mamamatay na talaga ang abno.

"Ge." yun lang nasabi ko at tinalikuran ko na sya. Hindi pa ko nakakalayo at narinig ko na naman ang napakalakas nyang tawa. Hindi ko nalang pinansin. Lampake sa kanya, baliw sya!

Alas singko ng hapon na ko nakauwi. Hindi ako napagod sa klase. Natulog lang naman kasi ako. Nakaka antok kasi magturo sa klase si Miss Rizala, prof namin sa Philosophy. Mga teacher nga naman, magkakaiba.

Pagpasok ko ng kwarto ko binuksan ko ang bintana at agad akong nahiga. Mula sa bintana ng kwarto ko tanaw ko ang gate ng itim ng mala mansyong bahay ng mga Arccua. Sa ganong anggulo kita ko pati ang mga bintana nila. Di ako sigurado kung kaninong bintana ung nasa harap ko. Balita ko hanggang ngayon wala pa ding lumalabas don. Ang tanging tao na nakikita ko don ay yung guard nilang si Mang Cardo. Ito ang lagi kong nakaka kwentuhan tungkol sa pamilya ng amo nya. Sa madaling sabi, sya ang informat ko.

Nakatanaw lang ako sa bahay nila. Hanggang sa mahikab ako makaramdam ng antok. Masandal tulog.

SHIYO'S POV

"Shiyo! Wait! Wait for me!" humahangos na tawag sakin ni Aya. Hirap na hirap syang habulin ako dahil sa suot na heels. Alam naman kasi nyang malayo ang parking lot ng school nag heels pa sya mg mataas, napaka arte.

Saglit akong huminto para makasabay sya. Pero tahimik ki lang syang hinintay. Hindi kasi ako pala imik. Nasa isip ko lang ang mga reklamo sa utak ko.

"You're so mean! You forget me ba? Hello!!! Magkasama tayo so you're supposed to wait for me, coz it's my birthday later!" maarte pa nitong dagdag. Diko sya kinibo. Nakalimutan kong birthday nya. at nakalimutan ko ding kasabay ko syang umuwi ngayon.

Ako ang nag drive ng sasakyan. Habang nasa kalsada, bigla akong napahinto, dahilan para maumpog kaming pareho ni Aya sa harapan ng sasakyan.

"Ouch!!! Can you please be careful I don't wanna die yet!" sigaw nito, hawak hawak ang noo. Agad akong humawak sa noo nya. Baka nagkabukol sya.

"Let me see." mahina kong sabi.

"I'm fine. Just be careful nalang." mahinahon nyang tugon. Napanatag na ko ng masigurong wala syang pinsala. May kalakasan din kasi ang biglaang preno ko.
"Anyway, bakit ba bigla kang nag preno?" biglaang tanong nya. Napatitig ako sa kanya. Hindi ako makasagot. Tila naubusan ng sasabihin. Nangangapa ako ng isasagot. Hindi ko maalala kung bakit ako biglang nag preno...

Bakit nga ba bigla akong nag preno?

Nakauwi kami ni Aya ng ligtas. Napag desisyonan din naming wag na banggitin kina Mommy ang nangyari kanina. Ayaw naming mag alala pa sila. Wala din naman kaming galos.

Pagdating sa bahay ay aligaga na sila para sa paghahanda sa party ni Aya. 17th birthday nya palang ito pero parang pang debut na ang dating. May mga nag aayos ng stage, halos patapos na at dumating narin ang catering. Sina Mommy at Daddy na syang tumayong magulang ni Aya ay nagbibihis narin. Kami nalang ni Aya ang hindi pa naka handa.

Dumiretso ako sa kwarto ko para saglit na magpahinga. Maya maya naligo na rin ako at ngbihis. Humarap ako sa body mirror at hinanap ang relo na paborito ko. Rolex na bigay pa sakin ni Daddy last year pero hindi ko na ito makita. Nakakapagtaka dahil madalang ko yun gamitin at lagi lang yun nakalagay sa salamin na cabinet kasama ng ilang watch collection ko. Bakit nawawala?

"Iho, lumabas kana, nandito na ang mga classmates mo." tawag sakin ni Mommy, nasa labas Sya ng kwarto. Diko namalayan ang oras.

Lumabas ako ng kwarto, at humarap sa mga bisita. Nandon na ang mga kaeskwela namin ni Aya. Agad kong hinanap ng tingin ang espesyal na tao para sakin. Napangiti nalang ako nang mapagtantong nasa dulong mesa ito, kasama ng maiingay nyang mga kaibigan... Lumapit ako sa kanila, sa kanya ako nakatitig. Bahagya naman syang ngumisi.

"Hanep pormahan natin bro ah, imported mula ulo hanggang paa." biro nya sakin. Natuwa ako ng palihim. Sa isip ko tila ako na ang pinaka gwapo sa lahat ng narito dahil sa papuri nya.

"Salamat." tipid kong sagot sa kanya. Diko pinahalata ang kilig ko. Ayokong mahalata ninuman na ang babaeng kaharap ko ay ang babaeng matagal ko ng gusto. Hindi dahil torpe ako. Mahirap lang kasi ang sitwasyon ko ngayon.

"Hayyysss... napaka seryoso mo, Bro Shi, dapat abot tenga ang ngiti mo, pinuri kita!" Nagulat ako sa sinabi nya. Nakakunot ang noo nya, nanlalaki ang mga mata. Alam ba nyang gusto ko sya?
"Huh?!" tanging nasabi ko.

"Minsan lang ako pumuri dapat sumaya ka." seryoso nyang sabi... akala ko nabuking na ko.

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon