CHAPTER 7: The Feelings Beneath

10 2 0
                                    

ANNA'S POV

Wag mong kakalimutan ang taong mahalaga sayo bago pa ito gumawa ng paraan para ipaalala sayo na mahalaga sya... Isang paraan na di mo kakayaning harapin... Isang masakit na paraan...

Para sakin isang malaking hadlang si Lara para manumbalik ang ala ala ni Shiyo tungkol sakin. Alam kong nagkaka gusto si Shiyo sa kanya. Halata ko sa bawat kilos ni Shiyo. Iba ang paraan nya ng pagtingin kay Lara. Yan ang rason kung bakit hinayaan ko lang si Lara na mapalapit sakin. Gagamitin ko lang sya para mabawi ang dating akin. Hindi ako papayag na tuluyang magkagusto si Shiyo sa kanya... Hindi ako papayag!

"Anlalim naman ata ng iniisip mo Anna my dear Kapitbahay?" Narinig kong sabi ni Lara.

"Ah, may naalala lang. Pasensya na." Iniyuko ko ang ulo ko. Pasimple ko ring inayos ang gamit ko.
"Pagabi na, uuwi na ko. Maiwan ko na kayo dito." Nagpaalam nako, ayoko abutan ng dilim kahit pa nasa tapat lang ng bahay na to ang tirahan ko.

"Ihahatid na kita, Uuwi na rin naman ako." Biglang kinuha ni Shiyo ang malalaki kong paper bag at ecobag.

"Oy Bro Shi, samahan ko na kayo sa labas." Sabat naman ni Lara, pinagpag nya ang kamay na naglalagkitan dahil sa ketchup ng pizza, sabay kuha ng basong may tubig at don hinugasan ang kamay sa tapat ng malaking food bowl na may lamang mga balat ng candy at chichirya. Kung sa iba nya ginawa un iisiping wala syang table manners. Narinig ko namang napatawa si Shiyo sa ginawa nya. Hindi naman ako umimik.

Sabay sabay kaming tatlo na lumabas ng bahay. Ihahatid daw nila ko pauwi. Hinayaan ko lang sila, sa pagkakataong ito lang...ngayon lang, at pangakong di na mauulit.

--------------------

SHIYO'S POV

Pag uwi ng bahay, dumiretso ako sa kwarto saglit na nagpahinga at saka naligo. Matapos nun saka ako nahiga at pinag isipan ang mga nangyari. Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan. Bakit ganun?

Hindi kami nakapasok ni Lara sa loob ng bahay nina Anna. Hanggang sa gate lang namin sya naihatid, bawal daw sabi ng guard. Masyadong strikto ang pamilya nila. Pero...

Hindi kami nakapasok pero bakit parang alam na alam ko kung ano ang itsura ng bahay na yun sa loob... parang alam na alam ko maski ang pasikot sikot nun... alam na alam ko bawat detalye... alam ko nga ba o nag iimagine lang ako?

---------------------------

LARA'S POV

Sunday.

Dahil mabait ako maaga akong bumangon para maglaba, well wala kaming muchacha para magsilbi samin kaya sariling laba kami. Ayokong gabihin sa pagsisipag kaya inagahan ko ng bangon, mahirap na baka maunahan pa ko ng dalawang abno kong pinsan. Mauna maganda dito ;) HEHEHEHE

Dumiretso ako sa dirty kitchen para don isa isahin ang marurumi kong damit. To the left to the right ang kapa ko sa mga bulsa at baka may piso ako o mga tig 500 na naisingit kung san saan edi naka jackpot pa ko diba! Kaso sa kasamaang palad walang pera kundi mga balat ng candy. Isang damit nalang ang bubulsahan ko at sisimulan ko ng ipasok sa washing machine ang mga damit ko. Wala ng kusot kusot salpak na agad para madali!!!

Last one na tong suot ko kagabi... Pagkapa ko...

"Huwat is dis?" bulalas ko nang makapa ang isang wonder pen! ECHOSSS! Isa itong sign pen na parang fountain pen na may penguin na color blue. Hmmm cute ito pero di pasok sa taste ko. Kanino naman kaya ito at panong napunta sakin?

"Hala! Ang ballpen kusang pumasok sa blazer ko?!!" Nanlalaki ang mga matang sigaw ko...

"Cannot be! Borrow one from three!" sigaw ko pa. IMPOSIBLENG MANGYARI ITO! WALA AKO MAALALANG NAGNAKAW AKO NG BALLPEN!

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon