Chapter 1 : Princess Leia Meets Lance Augustus

8.9K 160 132
                                    

PREIA

CHINITO. MAPUTI. GWAPO.

Siya na siguro si Lance Augustus Villarosa, sabi ko sa sarili habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa waiting lounge ng NAIA.

A guy wearing a white long sleeved polo na nakatupi hanggang siko, tucked under his black jeans and dark brown leather shoes.

Seriously? Parang a-attend ng binyagan at hindi susundo lang sa airport. A little too formal.

Baka naman may binyagang a-attend-an pagkatapos? singit ng sub-conscious mind ko.

Bahagyang nag-angat ng tingin si "Lance" mula sa librong binabasa kaya nasipat ko ang mukha niya.

Confirmed. Cute nga siya.

Pero muli niyang ibinalik ang tingin sa libro at yumuko ulit nang hindi masilayan ang hinihintay.

Alam kong ako ang hinihintay ni Lance. Hindi niya ako nakilala.

I had a vague memory of Lance Augustus Villarosa. I met him in Cebu ten years ago. I was nine and he was ten. Suplado na ito bata pa lang kami.

Kasama siya ng lolo niya nang magpunta sila sa bahay namin at ipakilala kami sa isa't-isa.

I remembered, niyaya ko siyang maglaro ng badminton pero tinanggihan niya ako. Pagkatapos ay pumunta siya sa garden at doon nagbasa ng dalang libro habang hinihintay na matapos mag-usap ang lolo niya at ni Papa ko.

Sa inis ko dahil sa pagtanggi niya ay binatukan ko siya at sinigawan ng : "Kung ayaw mo, 'wag mo!"

Naningkit lalo ang singkit niyang mga mata habang hawak ang ulo niyang binatukan ko.

Sa takot ko ay agad akong nagtatakbo papasok ng bahay at hindi na muling nagpakita hanggang sa makaalis sila.

Napangiti ako sa alaalang iyon. Sana ay hindi na maalala pa ni Lance.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bitbit kong malaking shoulder bag at tiningnan ang picture ni Lance na s-in-end ni Papa.

Siya nga. Walang duda. Tumangkad siya nang husto.

At lalong naging cute.

Sabagay, noon pa mang maliliit kami ay cute na siya. May pagkamasungit at seryoso nga lang.

Pinasadahan ko ulit siya ng tingin. Gusto ko na tuloy mapakanta ng : 'Kung ikaw ay nakatawa, ako pa ba'y 'yong nakikita?' na kanta ni Yeng Constantino na may titulong 'Chinito'.

Lance was smiling in the picture sent by my Papa. Iyong klase ng ngiti na hindi naman nakalabas ang mga ngipin pero naghalos isang guhit na lang ang mga mata niya sa pagkasingkit.

Na-excite tuloy ako lalo pa at kina Lance muna ako makikituloy sa loob ng dalawang linggo hanggang hindi pa bumabalik si Yaya Brenda mula sa bakasyon niya na siyang magiging kasama ko sa condo unit habang nag-aaral ako sa HFU.

Cuteness overload for two weeks.

The condo unit was one ride away from HFU where I was enrolled this second semester. Late na nga ako ng limang araw simula nang magsimula ang second semester.

At nineteen ay first year college pa lang ako sa kursong Management. Hindi muna kasi ako nag-aral matapos kong maka-graduate ng high school sa Cebu.

Pasaway kasi ako noon at walang direksyon ang buhay.

Wow, Preia. Ngayon ba ay may direksyon na ang buhay mo? nang-aasar na tanong ng sub-conscious mind ko.

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon