Chapter 22 : The First Kiss

3K 117 70
                                    

PREIA

THEN I STARED at him. Feasting at him with eyes while biting my lower lip.

A quiet laugh escaped Lance's lips. Hindi ko alam kung nako-conscious ba siya sa paraan ng pagtitig ko. Siguro nga.

He met my gaze. I can see the delight in his eyes. He fondly poked my forehead. "What are you thinking? I want to know..." malambing niyang tanong.

"Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang boyfriend na kita..." matapat kong sabi.

Marahan niya akong hinila at ikinulong sa sa mga bisig niya. "Yakap-yakap na kita... Maniwala ka na."

Napapikit ako. This was happiness. And maybe, just maybe, I deserved this.

I deserved somebody like Lance Villarosa.

Bahagya akong bumitiw sa pagkakayakap niya. "Kailan mo na-realize na gusto mo na ako? There were no inclinations that you do."

His eyebrows furrowed. "Anong wala? I've been sending you love signals," he declared, a little exasperatedly. "Ikaw lang 'tong hindi makaramdam."

Saglit akong natigilan. "Love signals? Wala ka namang sinasabi--"

"Sa mga salita lang ba nasusukat ang pagmamahal? Hindi ba at sa mga gawa rin?" balik-tanong niya. "I always make an effort to be there for you. Always."

Efforts.

Yeah, marami siyang ginawang kakaibang efforts para sa akin.

The Tagaytay trip. Our Binondo tour. Busy siyang tao pero nagagawa niya akong hanapan ng oras para pagbigyan ang kapritso ko. Kahit na mahirap para sa kanya dahil sumagupa siya sa mga bagay na ayaw niya tulad na lang ng paglalakad sa initan at maruming paligid.

Iyong matiyaga niyang paglalagay ng manicure sa daliri ko maski na magmukha siyang ewan tingnan.

Ang pagdi-date sa akin at ang pagtupad sa mga bucket list ko. Iyong pagsasabi niyang maganda ako. Iyong kahit na isuot ko ang wig ko kapag kasama ko siya ay hindi siya nahihiyang kasama ako.

Ang pagpunta niya sa cosplaying event para lang panoorin ako.

Ang pagdadala niya sa akin kina Miranda para lang makakakain ako ng isaw na hindi naman niya kinakain.

I closed my eyes and let out a sigh. His efforts.

Giatay! Bakit hindi ko nakita ang mga iyon?

Manhid ka kasi! Parang naririnig kong tili ni Ash sa akin.

Madalas niya akong biruin tungkol sa pagiging manhid. May mga quotes pa nga siyang sine-send sa group chat o sa text patungkol sa pagiging manhid ng isang tao.

Pero hindi ko pinapansin ang mga iyon. Ayokong pansinin. I did not want to jump to another place where I could get a heartache. I did not want to go there.

Dahil ayokong mag-ilusyon. Lalo na sa isang Lance Villarosa. Imposibleng magustuhan niya ako.

I raised my eyes and gazed at Lance. Sinalubong niya ang tingin at ngumiti nang pagka-cute-cute. Iyong ngiti niyang may hatid na kilig sa akin.

Posible pala. Posible palang magustuhan ako ng isang Lance Villarosa--a guy a million times better and cuter than the likes of John.

One lucky girl. And that was me.

Napuno ng emosyon ang dibdib ko at nanubig ang magkabilang-gilid ng mga mata ko. I could be so lucky somehow. Akala ko cursed na ang buhay ko.

Hindi pala. Dahil sa lalaking nakahawak sa kamay ko at masuyong nakatingin sa akin ngayon.

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon