LANCE
"LANCE!" TILI NI Preia nang makita akong papasok sa kusina.
Magkasama sila ni Mommy habang pinanonood niya si Mommy sa pagluluto.
I sighed in exasperation.
Heto na naman siya, ang nasabi ko sa sarili.
Nakangiting sinalubong ako ni Preia. "How's school?" she asked, quite excitedly.
She was in white shorts and gray tank top. Wala na ang wig niyang color pink.
Napansin ko tuloy na maigsi lang pala ang itiman niyang buhok. Hanggang baba lang niya ang length.
Si Preia ang taong laging parang excited. She was too bouncy and her voice was pitchy na halos pakanta pa ang pananalita.
Galawgaw.
Kung iyon man ang mas tamang salita para i-describe siya.
Matipid kong nginitian si Preia. "School's fine," I answered back at pagkatapos ay nilampasan siya at lumapit ako kay Mommy at humalik sa pisngi niya.
Agad din namang lumapit sa amin si Preia. "Ang galing palang magluto ni Tita Malen, Lance," puri ni Preia. "Masarap itong niluluto niyang nilagang baka." Pagkatapos ay hinampas na naman ako sa braso.
Hindi naman masakit ang paghampas niya sa pagkakataong ito pero automatic na napahimas ako sa braso na para bang agad ay nasanay na ako sa panghahampas niya at automatic na hihimasin ko ang braso ko. Nakailang hampas na ba siya sa akin simula kaninang sunduin ko siya sa airport?
Countless of times. Kaya siguro nasanay na ako.
"At ang sarap niyang magluto. Lami! Super!" she shrieked.
Napatingin ako kay Mommy. She was smiling. And I even heard her giggle with Preia's comments about her cooking.
Totoo namang masarap magluto si Mommy. Pero tipong appreciated niyang masyado ang papuri ni Preia sa kanya.
Lumapit si Preia kay Mommy at pabirong minasahe ang balikat ni Mommy habang tinitikman ni Mommy ang niluluto niya.
"Kaya idol ko na 'tong si Tita Malen, eh. Super enjoy nga ako habang pinanonod kong magluto. Ang dami kong natutunan."
My mother giggled while looking at me. Halatang kinikilig sa mga papuri ni Preia.
Kumunot ang noo ko. Para kasing matagal na silang magkakilala ni Preia kung makapagsalita si Preia at makapag-react si Mommy gayong kanina lang sila nagkasama.
And to think na hindi basta-basta madaling mag-warm up sa tao ang mommy ko. Pero kay Preia ay nakuha pa niyang ipakita ang paraan niya ng pagluluto.
"Naikwento pa nga ni Tita Malen na paborito mo raw ang mga pagkaing masabaw tulad ng nilaga at sinigang. Iyon daw ang mga comfort foods mo," kaswal na kwento pa ni Preia.
Wala talagang preno ang bibig niya sa kadaldalan."Ako, hindi ako mahilig sa masabaw na ulam pero dahil lami--I mean, masarap sobra ang luto ni Tita Malen, tingin ko mahihilig na rin ako sa mga pagkaing--"
"Aakyat na muna ako sa kuwarto ko," paalam ko, cutting Preia in mid-sentence. "Tawagin n'yo na lang ako kapag magdi-dinner na."
Nang tumingin ako kay Preia ay lumabi siya at sumimangot. Nahalata niya ang pagputol ko sa kadaldalan niya.
Hindi pa ako nakakalayo ay narinig kong nagsalita si Preia.
"Tita, bakit ang suplado po at ang sungit ng anak n'yo?" tanong niya na sinundan ng tawa ang sinabi. "Nakakawala pa naman ng cuteness ang pagiging suplado at masungit."
BINABASA MO ANG
My Imperfect Prince Charming
Teen FictionFree-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Augustus Villarosa. Preia is a believer of "The One" thingy. In fact, meron siyang "The One" dati. Lan...