Chapter 7 : The Friendly Coffee Date

3K 95 15
                                    

PREIA

LANCE BROKE OUR eye contact and turned his back on me. Pinuntahan niya ang study table at inayos ang napakaayos namang mga gamit sa ibabaw niyon.

Doon naman ako parang natauhan at nagising sa tila pagkakahipnotismo.

"Na-kidnap ka? Kailan? Saan? Paano?" nalilito kong tanong.

I couldn't imagine somebody like Lance being kidnapped at five years old. I couldn't imagine the scenario. Nakakatakot.

Hindi ko kayang ma-imagine ang batang Lance--so helpless and crying--nang mga panahong iyon.

Huminto si Lance sa ginagawa. Nakita kong naikuyom niya ang palad niya. Maya-maya ay humarap siya sa akin.

Kalmado na siya nang humarap sa akin. Nakahalukipkip.

At sa psychology, alam kong kapag nakahalukipkip ang isang tao, it was a defense mechanism.

"I don't want to entertain any questions about it, Preia..." seryosong sabi ni Lance. Naka-tiim ang bagang niya.

Marahan akong tumango. "I understand."

Silence.

"Hindi ka na galit? Bati na tayo?" Sinadya kong lambingan ang boses ko.

"'Wag mo nang uulitin 'yun." His tone was reprimanding.

I smiled sweetly at him. Parang ang gaan sa pakiramdam na bati na kami ni Lance.

Itinaas ko ang kanang kamay ko. "Hindi na. Promise. Bati na tayo?"

He searched my face and ended to my eyes. We locked gazes for several seconds. Then he sighed. "We're good."

Nanlaki ang mga mata ko at lumuwang ang ngiti ko.

Pastilan gyud!

Sa sobrang katuwaan ay pumalakpak at nagtatalon ako. Pagkatapos ay nagsayaw ng chicken dance ni Miranda habang kumekendeng.

Nangingiting napailing si Lance habang pinagmamasdan ako. Lalo tuloy akong ginanahang mag-chicken dance.

"Tama na 'yan," maya-maya ay saway ni Lance. "Ligpitin mo na 'yung kinalat mo..." Itinuro niya ang mga colored post-it notes ko.

Hinarap ko ang mga nagkalat na colored post-it notes sa sahig malapit sa pinto. "Pinansin mo ba? Binasa mo ba?" tanong ko habang tinitingnan ang mga nakakalat na post-it notes.

Hindi siya kumibo kaya naman nilingon ko siya.

I met his chinito eyes.

Cute chinito eyes. Very. Truly.

May ilang segundong nag-lock ang tingin namin. Pagkatapos ay nakita kong inilagay niya ang palad sa dibdib niya at bahagyang kumunot ang noo niya.

Na tila nagtataka sa isang bagay na siya lang ang nakakaunawa.

Then he sighed. "Sobra ng letter 'r' 'yung word mo na 'sorry'..." sabi niya at tumalikod sa akin para ayusin ang maayos na niyang mga lalagyan ng mga ballpens.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Totoo?" hindi makapaniwalang sabi ko at lumuhod sa harapan ng nakakalat na post-it notes.

Sobra nga ng letter 'r' ang word na 'sorry' na binuo ko sa tig-iisang post-it notes.

"Tinuod gyud! Pisti oy!" natatawa kong sabi.

Inipon ko ang mga nakakalat na post-it notes. I crumpled the extra letter 'r' and put it inside my pocket. Pagkatapos ay inilahad ko isa-isa ang salitang 'sorry' na tama na ang spelling sa harapan ni Lance.

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon