Chapter 12 : Biruan At Asaran Blues

2.6K 114 28
                                    

PREIA

DALI-DALI AKONG PUMASOK sa loob ng kuwarto ko at padapang nahiga sa kama.

"Wahhh! Ano ba ang nalibog?" para akong luka-lukang sigaw nang sigaw. "Naaano 'yun..."
Pinagpupukpok ko ang kama. "Hindi horny 'yun. Wahhh."

Ilang minutong nasa ganoon akong ayos at pilit na inaalala ang kahulugan ng salitang 'nalibog' sa tagalog.

Pero parang pinagkakaitan ako ng pagkakataon dahil hindi ko maalala samantalang makailang beses ko siyang ginamit sa pangungusap pero hindi ko talaga maitagalog. Para bang nasa dulo ng dila ko ang salitang iyon.

Paano kasi ay puma-flashback sa isipan ko ang cute na ekspresyon ng mukha ni Lance habang tila nanunukso patungkol sa salitang 'nalibog'.

Pumikit ako nang mariin para alisin sa isipan ko si Lance. Kailangan ko pang malaman kung ano ang kahulugan ng 'nalibog' sa tagalog.

Bumangon ako, umupo sa gilid ng kama at dinampot ko ang cellphone ko.

"Yaya Brenda!" sigaw ko sa cellphone nang sagutin ni Yaya Brenda ang tawag ko. Para akong nakakita ng anghel na sasagip sa akin.

"Preia! Naay emergency ba?" naguguluhang tanong ni Yaya Brenda. Hyper din ang tono ng boses niya.

"Tabang! I need your help."

"Ngano man? Pastilan, Preia, anong nangyari sa 'yo? May trouble na naman ba? Malalagot na naman tayo n'yan sa Papa at Kuya mo."

Napasimangot ako. Akalain mong naisip agad niya na may ginawa akong trouble? Sabagay, baka kasi ngayon pa lang ay iniisip na niya kung paano niya ako maipagtatanggol sa Kuya at Papa ko kung sakaling nakagawa ako ng trouble.

Ganoon naman si Yaya Brenda.

"Way trouble," sabi ko. "Grabe naman iyon kaagad ang naisip mo. I just want to ask you, unsa gani'y tagalog sa nalibog?"

"Nalibog?" ulit ni Yaya Brenda. "Aysa, ngano gapangutana ka?"

Tinatanong ni Yaya Brenda kung bakit ko naitanong. Nakagat ko tuloy ang dulo ng hintuturo ko.

Bigla ko kasing naalala ang cute na reaksyon ni Lance nang sabihin ko ang salitang 'nalibog'.
Pilyo ang pagkakangiti niya. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng pisngi ko.

"Yaya, dalia ug huna-huna," mabilis kong sabi na pilit na pinagmamadali si Yaya Brenda sa pagsagot. "Dili gyud nako madumduman. Na-mental block gyud ko." Sabi ko ay hindi ko talaga matandaan ang tamang tagalog ng salitang iyon.

"Giatay, nalimtan gyud nako!" bulalas ni Yaya Brenda. Maging siya ay nalimutan ang kahulugan sa tagalog ng 'nalibog'.

"Yaya!" nagdadabog kong sabi. I wanted to know. Right now.

"Pastilan, Princess Leia, ayaw pud ko apuraha kay nalimtan pud nako," natatarantang sabi ni Yaya Brenda.

Pagkatapos ay narinig kong sumigaw siya sa kabilang linya. "Tay, unsa ba sa tagalog ang nalibog?"

"Nalibog?" Narinig kong sagot ng tatay ni Yaya Brenda. "Nalito, dili ba?"

Nalito.

Shit. Tama ang tatay ni Yaya Brenda.

Nakakainis. Ang dami kong inistorbo para lang sa salitang iyon.

"Nalito!" sabi ko sa hyper na tinig bago pa magsalita si Yaya Brenda. "Thank you gyud, Yaya Brenda. The best ka talaga."

Natawa nang malakas si Yaya Brenda. "Dili ako, oy. Si Tatay."

"Daghang salamat, Tatay!" natutuwang sigaw ko at pagkatapos ay agad na tinapos ang pag-uusap naming ni Yaya Brenda sa telepono.

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon