PREIA
"LABASIN MO NA kaya si Lance? Kanina pa naghihintay sa 'yo, kawawa naman," nagmamakaawang sabi ni Yaya Brenda habang nakasilip ang ulo mula sa pinto ng kuwarto.
Nasa condo unit na ako kanina pa. Iniwan ko na sina Lance at Mang Vino sa bahay ni... ni Aling Christina.
Nangilid muli ang luha sa mga mata ko. Akala ko ubos na mula pa kanina. May natitira pa pala.
Bakit hindi ko siya matawag na nanay? Bakit sa kabila ng mga paliwanag niya, hindi ko magawang maintindihan ang lahat?
Bakit pati sa sarili ko ay nandidiri ako?
Hindi ko alam kung paano akong nakarating sa condo mula sa bahay nina Aling Christina.
Lutang ang isip ko. Ang alam ko lang, isang taxi ang naghatid sa akin sa tapat ng condo building namin.Nang inaabot ko na ang bayad sa mamang taxi driver, na sa tingin ko ay nasa anim na pung taong gulang, hindi niya tinanggap ang bayad. Hindi ko alam kung dahil ba sa walang humpay kong pag-iyak sa loob ng taxi habang bumibyahe kaya naawa siya sa akin. Pinilit kong ibigay pero todo ang tanggi niya.
Nagpasalamat ako at bago ako bumaba ay nagpayo siya sa akin na kung anuman ang problemang bumabagabag sa akin ay huwag na huwag akong bibitaw sa Panginoon. Aniya pa niya, lahat daw ng mga pangit na nangyayari sa buhay natin ay may magandang kadahilanan ang Panginoon.
I smiled bitterly at the driver.
Wala akong problema. Dahil hindi ko naman maituturing na problema ang nararamdaman ko ngayon. Ang problema may solusyon.
Ang pinagdadaanan ko ngayon ay wala. Parte na ito ng pagkatao ko. Mapangit na parte ng pagkatao ko. Kapag nalaman ng mga kaklase at kaibigan ko ang tunay kong pagkatao--kung sino ang mga magulang ko--itataya ko ang buhay ko, malamang ay pagtatawanan nila ako at lalong aalipustain.
Pagtatawanan na naman ako. They will surely bully me non-stop.
Tatak ko na iyon, eh. Kapatid ko ang nanay ko. Tatay ko ang lolo ko. Lolo ko ang tatay ko.
Pesteng yawa!
How can God be this cruel to me?
Suma total, kahit pasaway ako, mabait naman akong bata. Mapagbigay sa mga nangangailangan. Magalang at may respeto sa kapwa kahit na madalas ay hindi ako nirerespeto ng kapwa ko. Nagsisimba naman ako at nagdarasal. Hindi nakakalimot na magpapasalamat sa mga biyaya Niya.
Pero bakit? I wanted to know why. Why? Why me?
Bahagya ko lang sinulyapan si Yaya Brenda. "Tell him to leave..." walang emosyon kong sabi at muling isinubsob ang mukha sa tuhod ko para maitago ang pagbalon ng luha sa mga mata ko. Nakasalampak lang ako sa isang gilid sa kuwarto namin.
Bumuntong-hininga si Yaya Brenda at pumasok sa loob. Umupo siya sa gilid ng kama, paharap sa akin.
"Preia, kanina pa si Lance sa labas. Hindi raw siya uuwi hanggang hindi kayo nagkakausap. Naaawa na ako. Ayaw mo naman siyang papasukin. Ano ba ang nangyari?" tanong niya.
Hindi ako kumibo.
"Nag-away ba kayo? May kasalanan ba s'ya sa 'yo? Hindi na ba pwedeng pag-usapan?" sunud-sunod niyang tanong. "Magkasama kayong umalis kanina tapos pagbalik mo ikaw na lang mag-isa at magang-maga 'yang mga mata mo. Ano ba ang nangyari? Malalagot ako nito kina Kuya at Papa mo kapag nalaman nila ito."
Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko nang mabanggit ni Yaya Brenda sina Kuya at Papa.
"Pwede kang magkwento kay Yaya Brenda nimo, Prei," nag-aalalang sabi ni Yaya Brenda.
BINABASA MO ANG
My Imperfect Prince Charming
Teen FictionFree-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Augustus Villarosa. Preia is a believer of "The One" thingy. In fact, meron siyang "The One" dati. Lan...