Chapter 27 : The Truth About Preia's Life

1.8K 86 20
                                    

PREIA

I ALMOST LOST my balance. Mabuti na lang at nakaalalay si Lance sa akin.

Nagtama ang mga mata namin ni Aling Christina.

Ng nanay ko.

Was she really my biological mother? Ang taong nagluwal sa akin sa mundong ito?

Siguro. Kaya lamang ay wala akong maramdamang anuman sa dibdib ko kundi...

Hinanakit. At ang tanong na bakit.

Ang iniisip ko pa naman na kung sakaling dumating ang panahon na magkita kami nang personal ay yayakapin ko siya nang mahigpit para sa mga nawalang yakap sa nakalipas na nineteen years.

Pero bakit ngayon ay hindi ko magawa? Bakit naunang lumabas ang tampo kaysa sa pagka-miss ko sa yakap niya?

Lord, please, open my heart to her explanations. Alam kong may mabigat na dahilan kung bakit, ang piping dasal ko. Sana maging bukas ako sa mga paliwanag niya.

Pinagmasdan ko siya. Kaya pala pamilyar ang mga mata niya sa akin na parang nakita ko na.

Because we had the same pair of eyes.

Pagkatapos ay ibinalik kong muli ang diretsong tingin sa mga mata niya. Pero una niyang binawi ang tingin at idinirekta ang tingin kay Lance.

"Pasok kayo," mahina niyang sabi at niluwangan ang bukas ng pinto.

"Dito na lang ako sa labas, Sir," paalam ni Mang Vino. Alam niyang masyadong personal ang pag-uusapan sa loob.

Nagmamakaawang tumingin ako kay Lance na samahan niya ako sa loob. Hindi ko kakayaning kaming dalawa lang ni Aling Christina sa loob.

Marahan lang siyang tumango at pinauna akong pumasok sa loob habang hindi binibitiwan ang kamay ko.

Magulo at masikip sa loob ng bahay. Nagkalat sa sahig ang mga laruang plastic na panlalaki. Hindi rin maganda ang amoy sa loob. Amoy kulob at mapanghi.

Napatingin ako kay Lance. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Alam kong hindi siya sanay sa ganitong environment. Sana lang ay walang gumalang ipis o magpakitang daga. Kung hindi ay baka mag-anxiety o panic attack siya bigla.

Naguguluhan ako kung palalabasin ko na lang ba siya o hahayaan kong manatili siya sa loob kasama ko.

But I needed him. Gusto kong kasama ko siya kapag kinausap ko si Aling Christina.

"I'll be fine... Don't mind me..." masuyong bulong niya sa akin. Marahil ay nakita niya sa ekspresyon ng mukha ko ang pagkalito.

I gently squeezed his hand. Now more than ever, I really, really appreciated Lance's effort to be my side. Kahit alam kong hindi siya komportable, nage-effort siyang samahan ako kasi alam niyang kailangan ko siya ngayon.

Thank you, God, for my Lance Villarosa.

"Upo kayo..." yaya ni Aling Christina.

Aling Christina... ulit ko sa isip ko.

Nanay mo siya, Preia... paalala ng subconscious mind ko sa akin.

Ako lang ang umupo sa plastic na monobloc chair. It was color peach pero nagmukhang kalawang na sa naipong dumi. Lance stood by my side, near the door.

Napatingin ako sa mga batang nakatingin din sa akin. Tatlong lalaki na ang edad, sa tingin, ko ay nasa thirteen, five and three. Umiiyak kanina ang batang three years old na nakasando lang at walang suot na brief o short. Meron pang naiwang luha sa mga mata niya at tumutulong sipon sa ilong. Theye were all looking at us. Nagtataka siguro kung sino kami.

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon