PREIA
BANDANG ALAS SAIS ng gabi ay nagkaroon ako ng hindi inaasahang mga bisita sa hospital.
Si Aling Christina at ang mga kapatid ko.
At si Kuya Gilbert. Pati na rin si Yaya Brenda.
Si Jacob ang sumundo at naghatid sa kanila sa Apolonio gamit ang company chopper ng Santelices Group.
Ang swerte kong napabilang ako sa gang. Ganito pala sila mag-asikaso sa isang kaibigang nangangailangan, lalo na si Jacob na hindi nag-atubiling personal na sunduin sina Kuya Gilbert, Aling Christina at mga kapatid ko. Siguro dahil na rin sa pabor na hiningi sa kanya ni Lance.
Laging maaasahan. Laging andyan sila para sa 'yo.
At higit sa lahat, minamahal ka kahit na sino ka pa.
Friends to its truest meaning.
Parang may dumaang anghel nang pumasok sila sa kuwarto. Nagkukuwento ako nang mga sandaling iyon pero nabitin sa ere ang mga sinabi ko.
Narinig ko lang ang mahinang bulong ni Aling Christina sa mga kapatid ko na : 'maupo lang at 'wag masyadong malikot...'.
Nanay at hindi Aling Christina, Preia... saway ko sa sarili ko.
Nanay.
Narito na ang tunay kong nanay.
Ang nanay na matagal kong inasam na makaharap.
Parang may mainit na palad ang humaplos sa puso ko sa thought na iyon.
Nang magtama ang paningin namin ng nanay ko ay patakbo siyang lumapit sa hospital bed na para bang kung hindi niya gagawin nang mabilis ay mawawala ako sa paningin niya.
Pagkatapos ay walang salita-salitang namutawi sa labi niya. She cupped my face and showered me with soft kisses in between hugs.
Patuloy na tumutulo ang luha niya habang tahimik siyang umiiyak.
Nalasahan ko pa yata ang luha niya dahil nakalasa ako ng maalat sa aking labi.
O sarili ko iyong luha?
Dahil hindi ko namamalayan na umiiyak na rin pala ako.
Hanggang sa ang impit kong pag-iyak ay napalitan ng malakas na hagulgol.
Hanggang sa pareho na kaming humagulgol habang magkayakap.
"Nanay... Nanay ko..." umiiyak kong sabi.
Parang ang dami kong gustong ipakahulugan sa mga salitang 'nanay ko'.
Isa na roon ang paghingi ko ng paumanhin sa kanya dahil sa naging reaksyon ko sa una naming pagkikita.
At sa mga salitang 'nanay ko', gusto ko ring ipakahulugan na sobrang na-miss ko siya simula pa lang ng malaman kong ampon ako. That for many 'feeling alone' years ay hindi iilang beses na ginusto ko siyang makilala at mayakap.
Sa mga salita ring iyon ay gusto kong isumbong sa kanya ang mga nam-bully sa akin. Gusto kong isumbong ang mga taong nang-api sa akin. Isumbong ang mga taong tumawag sa aking 'ampon'.
At higit sa lahat, sa mga salitang iyon, gusto kong ipagmalaki na merong gwapo, mabait at mapagmahal na lalaking in love sa akin ngayon.
Bonus na rin na may mga kaibigan akong good influence, mababait at tanggap ako bilang ako--Princess Leia Samonte na ampon man o Preia na puro palpak sa buhay o Princess Leia na tatay ang lolo at lolo ang tatay.
BINABASA MO ANG
My Imperfect Prince Charming
Teen FictionFree-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Augustus Villarosa. Preia is a believer of "The One" thingy. In fact, meron siyang "The One" dati. Lan...