Chapter 6 : The Real Preia

2.7K 95 25
                                    

PREIA

I COULD NOT believe why I got that kind of reaction from Lance.

Ganoon ba siya katakot sa ipis at alupihan?

O nainsulto siya sa mapang-asar kong tawa?

Or both?

Pisti.

Bakit nga ba?

Mahina kong kinatok ang pinto ng kuwarto niya. May pag-aatubili at takot sa aksyon ko.

It was the first time I got scared of Lance. Naka-tiim ang bagang niya kanina, like he was suppressing his anger.

Na kung hindi malakas ang self-control niya ay baka kung ano na ang nagawa niya sa akin sa galit na nakita ko sa mga mata niya.

But I saw fear first before anger.

Fear.

Na tila isinimento siya sa kinatatayuan niya dahil sa takot na iyon. Hindi makakilos. Nanlalaki ang mga mata.

Ganoon siya katakot sa ipis?

Tiningnan ko ang laruang ipis at  in-examine iyon sa nagpapawis kong palad. Hindi naman sila mukhang nakakatakot.

Ibinulsa ko ang mga iyon sa suot kong shorts.

Pahamak ang laruang ipis at alupihan.

Pahamak din ang kaklase kong nagdala nito.

Sisihin ba silang lahat sa kasalanan mo, Princess Leia? kastigo ko sa sarili.

Ako ang may kasalanan. I went overboard.

Pumalpak na naman ako.

Kasama na ito sa napakaraming kapalpakang nagawa ko sa buhay ko.

"Lance..." ani ko sa mababang tinig habang kumakatok nang mahina. "Sorry na..." sincere kong sabi.

No answer.

Frustrated na naglabas ako nang malalim na buntong-hininga. "August... Sorry na sabi, eh... Sige ka kapag hindi mo binuksan ang pinto kakantahan kita ng  'Hayaan Mo Sila'..." pananakot ko habang naka-pout ng lips.

He answered me with an eerie silence.

Hindi ko tuloy magawang kumanta dahil baka lalo lang siyang magalit sa akin.

"Fireballs gusto mo?" It was an empty threat I know. Sino ba ang matatakot sa imaginary fireballs?

Silence still.

"Pisti oy..." I muttered to myself. Napu-frustrate na rin ako at gusto ko nang sabunutan ang sarili ko.

Aalis na ako bukas. Hindi ko gustong umalis sa bahay nila na galit siya sa akin. Baka hindi na niya ako samahang sunduin si Yaya Brenda sa airport.

O baka hindi na niya ako kausapin kahit kailan, maski sa HFU.

And worst, baka kapag nalaman ng buong angkan at mga kaibigan ni Lance na galit siya sa akin ay magalit na rin sila sa akin at hindi na rin ako kausapin kahit kailan.

I shuddered at that thought. Sobrang malulungkot ako kapag nangyari iyon.

I felt so welcomed and loved when I am with them.

Pero posible dahil si Lance ang matagal na nilang kaibigan. Sino ba ako sa buhay nila para pillin nila?

Sino nga ba ako sa buhay ng isang tao?

I was a nobody.

Ni hindi ko nga kilala ang mga totoo kong magulang dahil ampon lang ako.

Ayan ka na naman, Preia... warning ng utak ko.

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon