Chapter 15 : With Or Without The Wig

3K 88 23
                                    

PREIA

NAKABUKA ANG BIBIG ko. Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis ang tibok ng puso ko. At nakatingin lang ako sa kanya na para bang isa siyang kakaibang specie.

Ganoon ang nararamdaman ko at mga ekspresyon ko.

Ganoon ba talaga ang feeling kapag niyaya kang mag-date ng isang high and mighty na tulad ni Lance Villarosa?

Nang sabihin ni Ashley na gusto akong i-date ni Kevin, na-excite ako.

Pero pagdating kay Lance ay parang gusto kong takbuhin ang buong bahay nila at magsisisigaw sa sobrang excitement.

Mga ganoong feeling ng level ng excitement.

"O, nalulon mo ba ang dila mo?" Lance asked, a cute amused smile evident on his face. "Where is the talkative Preia that I know of?"

That was where I woke up in a trance.

I inhaled sharp breath before I spoke. "You're asking me out on a date?" tanong ko sabay turo sa sarili ko. Sinisigurado ko talagang ako ang niyayaya niyang mag-date kahit na kaming dalawa lang naman talaga ang nag-uusap.

Lance looked me straight in the eyes. "I am."

Pinabilis lalo niyon ang tibok ng puso ko. Pastilan! Nagpapawis ang mga kamay ko.

Ang pagyaya ni Lance sa aking mag-date ay katulad ng feeling ko nang manalo akong Best Cosplayer of The Underworld sa kauna-unahang cosplaying contest na sinalihan ko four years ago.

Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan. Iyon bang gusto mong halikan ang lahat ng taong makasalubong mo sa sobrang katuwaan.

So, gusto mong halikan si Lance ngayon? tudyo ng isang parte ng utak ko.

Yes.

Giatay oy! Hindi naman masyado, bawi ko rin sa naisip ko.

I narrowed my eyes. "Seryoso?" paninigurado ko.

Lance did not leave his intense gaze off me. "Seryoso."

"A real date? Not just a coffee date?"

"Yes... Or whatever you may want to call it," sagot ni Lance. Patience and fondness were noted in his voice na parang nakikipag-usap sa isang batang paslit.

Napahigit ako ng isang malalim na hininga. Pagkapatapos ay inilabas ko ito sa isang malakas na sigaw. "Wahhh! Giatay oy!" natutuwa kong sabi sabay yakap kay Lance. Para akong kiti-kiting hindi mapakali habang nakayakap sa kanya.

Naramdaman ko pang tumama ang tuktok ng ulo ko sa pisngi niya sa katatalon dala ng excitement.

I heard him muttered a quiet 'ouch' kaya napangiti ako.

"Thank you! Date-able din naman pala ako afterall. Ang galing ng charm bracelet ni Auntie," maluwang ang ngiting litanya ko habang nakadikit ang pisngi ko sa dibdib niya, inhaling his familiar scent.

Woodsy-minty.

I felt Lance's arms enveloped me in a light hug. And we stayed that way for several long seconds.

It was as if the world stopped.

OA iyon, bawi ko sa naisip.

Iyon bang para lang kaming nasa isang stop dance contest na hindi pwedeng gumalaw kapag wala ng tugtog.

I closed my eyes and inhaled his scent. It made me smile.

Really, really made me smile. One hundred percent.

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon