PREIA
HUMINTO KAMI SA tapat ng isang napakalaking mansyon sa isang exclusive subdivision sa Makati City.
Pagbaba ni Lance ay agad siyang lumipat sa puwesto ko para pagbuksan ako ng pinto. Napangiti ako. May hatid na kilig ang gesture niyang iyon.
Nakakatuwa rin pala kapag ginagawa sa iyo ng isang lalaki ang pagbuksan ka ng pinto. Simpleng gentlemanly gesture pero tumatatak sa isipan ng isang babae.
Naramdaman kong marahan pa akong inalalayan ni Lance sa likod pagpasok sa loob.
I was in awe. Sobrang laki ng bahay nina Lance. May grand staircase sila na sa mga lobby ng hotels ko madalas makita.
And the chandeliers? Parang gusto kong sumabit sa chandelier sabay kanta ng 'Chandelier' song ni Sia.
Dako kaayo! Sobrang laki talaga. At sobrang ganda at elegante.
Ito ang unang pagkakataong nakatuntong ako sa bahay nina Lance. Nakapunta ako sa mansyon ng mga lolo niya sa pangalawang beses kong pagpunta sa Manila nang dalawin namin ni Papa ang lolo niya. Pero sandali lang dahil kinailangan na namin agad na bumalik sa Cebu.
Sa sala ay nakita ko ang isang lalaki at isang babae na kasing-edad ng kuya ko na tila may hinihintay. I assumed they were Lance's parents.
They both had ready smile on their faces.
Kamukha ni Lance ang daddy niya. Pero nakuha niya ang mga mata ng mommy niya. Singkit na kapag ngumingiti ay nag-iisang guhit ang mga mata.
Humalik si Lance sa pisngi ng mga magulang. "Mom, Dad, si Preia..." pakilala niya. "Preia, sina Mom and Dad ko, Malen and Lawrence..."
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko at humalik sa pisngi nilang dalawa. "Hi, Tita Malen... Hi, Tito Lawrence..." masigla kong bati.
"Welcome to our home, Preia. Please make yourself comfortable and feel at home," nakangiting sabi ni Tita Malen.
"Marami pong salamat sa pagpayag na tumira ako rito sa inyo," sabi ko at niyakap pa si Tita Malen.
"Don't mention it, hija. The pleasure is ours," sagot naman ni Tita Malen.
Pinasadahan ako ng tingin ni Tita Malen. "You look so cute in your attire," puri niya.
Lalong lumuwang ang ngiti ko. Naramdaman ko kasi ang sincerity sa papuri niya.
"I do cosplay, Tita."
"So we heard. Nabanggit iyon ni Tatay sa amin," ani Tita Malen.
Tumingin si Tita Malen kay Lance. "Samahan mo na si Preia sa magiging kuwarto niya. Maghahanda na ako ng tanghalian natin--"
"Hindi na ako rito kakain, Mom," sabi ni Lance. "I have to go back to school. May kailangan akong ayusin."
Tumingin si Lance sa akin. "Let's go. I'll show you your room."
Wala akong nagawa kundi ang sumunod kay Lance matapos kong magpaalam sa mommy at daddy niya.
"Ang ganda ng bahay n'yo," komento ko habang nililibot ng tingin ang buong bahay mula sa second floor. "Parang hotel."
"Thank you," matipid niyang sagot at huminto sa isang pinto sa second floor.
Binuksan niya iyon. "This will be your room. Kung meron kang iba pang gusto o kailangan, just let us know."
Namilog ang mga mata ko at excited kong tinakbo ang kama at padapang humiga roon.
"Ang ganda ng kuwarto!" bulalas ko at nagpaikot-ikot sa ibabaw ang kama. "Ang laki!"
BINABASA MO ANG
My Imperfect Prince Charming
Teen FictionFree-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Augustus Villarosa. Preia is a believer of "The One" thingy. In fact, meron siyang "The One" dati. Lan...