Dumaan ang mga araw na naging mga linggo at napagtagumpayan naman ni Nicole na tuluyan makaiwas kay Josh. Aaminin niya na sobrang hirap ng napagdaanan niyang proseso, para tuluyan nang mapalayo ang loob niya sa binata.
Kung dati ay hindi siya makatiis na hindi ito masilayan, ngayon ay nakakayanan na niya sa tulong na rin ng kanyang bagong kaibigan na si Aaron, "BFF, wala ka na ba talagang feelings para kay baby Malcolm ko?" pagtatanong nito habang nakaupo sila sa field.
"Tsss... Hindi naman agad mawawala 'yon BFF, pero masaya na rin ako dahil kahit papaano ay kaya ko nang i-handle 'yong nararamdaman ko para kay Josh." nakangiting saad ni Nicole habang nakahiga sa damuhan.
Itinaas ni Nicole ang kanyang kamay sa ere habang sinasangga ang araw na diretsong tumatama sa kanyang mukha. Napangiti siya nang maalala kung gaano kasaya ang buhay lalo pa't nasa murang edad pa naman siya, para makaramdam ng heartaches.
"Mukang naka-move on ka na nga." maarteng saad ni Aaron bago uminom ng tubig sa hawak nitong bottled water.
Mabilis namang bumangon si Nicole sa kanyang pagkakahiga sabay sabing, "Truelaloo BFF, kaya ikaw itigil mo na ang pagpapantasya kay Josh. Masasaktan ka lang dahil si Beshie lang ang gusto niya." natatawang wika nito bago kinuha ang kanyang mga gamit.
"Saan ka pupunta?" biglang pagtatanong ni Aaron sa dalaga.
"Sa comfort room, bakit sasama ka?" pambubuska ni Nicole rito bago tuluyang tumayo.
"Loka ayoko nga! Baka kung ano pang makita ko ro'n, pagsisihan ko pa." nandidiring usal nito saka kinuha na rin ang kanyang bag sa damuhan.
Napahalakhak na lang si Nicole sa inasta ng kanyang kaibigan bago ikinawit ang kanyang kamay sa braso ng binata, "Tara na partner." nakangising turan pa niya rito.
"Bakla matagal pa 'yon at pwede ba kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Ayokong maging escort sa Prom Night, gusto ko ako ang muse." nakanguso nitong wika saka nagsimulang maglakad ang dalawa.
"Gora! Basta ba handa ka nang majombag ng pudrabells mo eh. Sa akin okay lang." humahalakhak na pambubuska pa ni Nicole rito.
"Kaloka BFF, sumasakit na ang ulo ko sa'yo!" napapailing na sambit ni Aaron at nagpatuloy na lang sa kanyang paglalakad.
Mabilis namang naghiwalay ang magkaibigan para bumalik sa kani-kanilang klase, "Bye BFF!" sigaw ni Nicole rito saka naglakad patungo sa sarili nitong classroom.
Nakangiting naglakad mag-isa ang dalaga papunta sa kanyang silid aralan, ngunit nang malapit na siya roon ay biglang kusang napahinto ang kanyang mga paa sa paglalakad. Nakita niya na makakasalubong niya si Josh at kung iiwas man siya ay huli na, dahil nakita na rin siya ng binata.
Nicole, kumalma ka nyemas! Si Josh lang 'yan, hindi na siya si Habibi mo remember? Naka-move on ka na sa feelings mo para sa kanya, kaya play it cool, okay? pangungumbinsi niyang sambit sa kanyang sarili. Nakita niyang nginitian siya ni Josh ng sobrang tamis, kaya wala sa sariling napatulala na lang ito habang naka-awang ang mga labi.
"Wuy Nicnic, ayos ka lang?" nakangiting usal nito na nakapagpabalik sa katinuan ng dalaga.
"U-uy! Josh... K-kamusta!" nauutal nitong saad at saka ngumiti ng alanganin para ipakita sa binata na cool na siyang kausap ngayon.
BINABASA MO ANG
One Sided Love ✔️
General Fiction(COMPLETED) (NAIVE SERIES: Book 2) "If you love someone secretly, accept the possibility that you'll hurt silently." Josh Malcolm Dela Vega and Nicolette Rivera. Love Story. One sided Love. All Rights Reserved. 2018 Written by: Everjoy_Condes 📍 Hi...