OSL Kabanata: 2

21K 567 62
                                    

Nang marating nina Josh at Nicole ang classroom ng dalaga ay mabilis nagpaalamanan ang magkaibigan sa isa't isa, "Sige Josh, salamat sa paghatid." nakangiting sambit ni Nicole sa binata.

"Hindi naman kita hinatid Nicnic, sadyang madadaanan ko lang talaga ang classroom niyo." biglang sambit nito saka tumawa ng nakakaloko.

Mabilis naman itong hinampas ni Nicole sa kaliwang balikat bago nagsalita nang, "Ikaw kahit kailan nakakabwisit ka, wala kang ka-sweet-sweet pagdating sa akin." nakangusong saad nito saka hinalukipkip ang mga braso.

"Ito naman, hindi ka pa nasanay. Alam mo naman na kay Ulan lang ako malambing." pambubuskang usal pa ni Josh sa dalaga.

Natigilan naman si Nicole sa sinabi ng binata at aaminin niya, na may kirot sa puso na naman siyang naramdaman ng mga sandaling iyon. Iniisip ng dalaga kung gaano ba ka-insensitive si Josh, para hindi nito maramdaman na nakakasakit na ito sa kanyang mga sinasabi. Sa puntong iyon ay biglang napahawak na lang ang dalaga sa kanyang dibdib, dahil sa sakit nang naidulot ng mga salitang iyon mula sa binata.

"Oy Nicnic, ayos ka lang?" biglang pagtatanong pa nito bago hinawakan ang kaliwang balikat ng dalaga.

Mabilis namang tinanggal ni Nicole ang kamay na napatong sa kanyang balikat sabay sabi nang, "Ayos lang ako, sige na papasok na ako sa loob." walang ganang saad nito bago tinalikuran ang binata.

"Nicnic!" tawag pa ni Josh ngunit hindi na ito muling nilingon pa ng dalaga. "Anong nangyari do'n?" nagtatakang usal pa ng binata bago nagkibit-balikat na tumalikod na rin para pumasok sa kanyang klase.

Nang saktong pagtalikod ni Josh ay siya namang hudyat ng biglang harap ni Nicole. Napabuntong hininga na lang ang dalaga sa kanyang sitwasyon bago binitawan ang mga katagang,

"Ang hirap talaga kapag ikaw lang ang nagmamahal." wika nito habang tinatanaw ang binata na ngayon ay papalayo na sa kanyang kinatatayuan.

Nasa ganoong posisyon si Nicole nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran, "Wuy, beshie!" kalabit nito kaya mabilis itong binalingan ng dalaga.

"Beshie..." matamlay niyang saad sa kanyang kaibigan.

"Anong nangyari 'te? Bakit hindi mapinta ang pes?" natatawang tanong ni Raine bago ikinawit ang kamay nito sa dalaga.

"Haayyy... Wala beshie kasi naman si Habibi ko, napaka-insensitive. Kainis!" inis na turan nito habang papasok ang dalawang dalagita sa loob ng kanilang silid aralan.

"Iyan ka na naman sa habibi mo na 'yan. Alam mo ikaw babae ka nagtatampo na ako sa'yo, bestfriend mo ako pero hindi mo sinasabi sa akin kung sino 'yang lalaking 'yan." mahabang litanya ni Raine at mahihimigan mo ang pagtatampo sa boses nito.

"Beshie, 'wag ka na magtampo," lambing ni Nicole rito saka inihilig ang kanyang ulo sa kanang balikat ng kanyang kaibigan. "Masyadong complicated ang sitwasyon kaya hindi ko pa masabi sa'yo." pagpapalusot niya rito bago nila narating ang upuan na nakalaan para sa magkaibigan.

"Nicnic ahh, sinasabi ko sa'yo ipakilala mo sa akin 'yang lalaking 'yan nang mabigwasan. Ang laking tanga eh."

Nakahinga naman ng maluwag si Nicole nang makitang nailihis na niya ang usapan tungkol sa habibi niya. Tanging kapirasong impormasyon lang ang nalalaman ni Raine tungkol sa lalaking nagugustuhan niya, dahil iniisip niya na baka pagtawanan siya ng dalaga dahil doon.

One Sided Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon