NICOLE's POV:
Kakatapos lang ng klase ko at ngayon ay pasakay na ako ng jeep. Sa ilang minutong paghihintay ko ay biglang may humintong sasakyan sa aking harapan. Mabilis napaarko ang kilay ko, dahil kilalang-kilala ko kung sinong nagmamay-ari ng kotse na nasa harapan ko ngayon.
"Hun!" bungad sa akin ni Dennis nang makababa ito ng kanyang kotse.
Mabilis akong napailing bago nagsimulang maglakad papalayo rito. Ramdam ko na nakasunod lang siya sa akin, pero wala na akong pakielam sa kanya.
"Hun, talk to me please." pagmamakaawa nito sa akin.
Sa halip na sagutin ay mas binilisan ko pa ang aking paglalakad, na parang isa siyang hangin na lampasan lang sa magkabila kong tenga. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong harangin, dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
Tiningnan ko lang siya ng diretso sa kanyang mga mata, na walang kahit anong mababakas kundi seryosong awra lamang. Nakita ko naman na mas nalungkot ang mukha nito, nang makita ang dating ng aking pagsalubong sa kanya.
Alanganin niyang kinuha ang kanang kamay ko sabay sabing, "Nicole, mag-usap naman tayo please." pagmamakaawa niya sa akin.
Palihim na lang akong napabuntong hininga dahil sa kakulitan ng lalaking 'to, "Mga ilang beses ko pa bang ipapaliwanag sayo na lubayan mo na ako?!" hasik ko rito, dahil naiinis na talaga ako sa kanya.
"N-nicole... Ayusin na natin ito please! I'm begging you, magbabago na ako promise!" tila balisang saad ni Dennis kaya't sa puntong iyon ay napapikit na lang ako ng mariin.
Sa totoo lang, naaawa na rin ako sa kanya dahil tatlong linggo ko na siyang iniiwasan. Gustuhin ko man siyang patawarin pero mas napapangunahan ako ng alangan, lalo na kapag naiisip ko ang pamamaraan niya ng pagbabantay sa akin.
Nakakasakal mga beshie, promise!
Napabalik na lang ako sa realidad nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking kaliwang pisngi, "Hun..." malambing na turan niya kaya mabilis ko nang iminulat ang aking mga mata.
Tinitigan ko lang si Dennis sa kanyang mga mata at pilit kong hinahanap ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kung tutuusin, jackpot na akong maituturing dahil bukod sa maalaga ito ay napaka-sweet pa ni Dennis. Maraming kababaihan sa FTHS ang nag-aasam na mapansin niya, pero bakit para sa akin? Bakit parang wala lang ang karisma niyang iyon?
"Haaayyy... Nicollete, everybody deserves a second chance. Pagbigyan mo na, malay mo naman magbago pa." usig ng isang bahagi ng aking isip.
Nang akmang magsasalita na ako ay biglang may pumasok na kung ano na naman sa aking isip, "Gulo lang ang aabutin mo kapag pinagpatuloy mo pa 'yan, Nicnic." bulong naman ng kabilang bahagi ng aking isip. Susmiyo naman, mas lalo lang akong nahihirapan sa mga kaganapan.
Bahala na...
"I will give you a chance, in one condition." seryosong usal ko sa kanya.
"Anything, hun. I'm willing to do it." kita ko na biglang lumiwanag ang awra ng mukha ni Dennis nang sabihin niya ang mga katagang iyon.
BINABASA MO ANG
One Sided Love ✔️
General Fiction(COMPLETED) (NAIVE SERIES: Book 2) "If you love someone secretly, accept the possibility that you'll hurt silently." Josh Malcolm Dela Vega and Nicolette Rivera. Love Story. One sided Love. All Rights Reserved. 2018 Written by: Everjoy_Condes 📍 Hi...