OSL Kabanata: 35

7.6K 281 17
                                    

NICOLE's POV:

Magkahawak kamay kaming nagbibiyahe ngayon ni Josh, lulan ng kanyang sasakyan. Nagprisinta kasi ito na ihatid ako sa bahay, para makahingi na rin daw ng paunmanhin kay Mama dahil sa hindi ko pag-uwi kagabi.

Sa totoo lang mas gusto ko sanang mag-isa na lang umuwi, dahil naiilang ako na baka kapag nakita kami ni Mama na magkasama ay pag-isipan niya kami ng masama. Well, may dapat naman talaga siyang ipagduda, dahil sa pag-iisa namin ni Josh kagabi.

"Hubby..." naiilang kong sambit, bago ko binawi ang kamay ko sa kanya.

Sandali akong nilingon ni Josh, bago muling itinuon ang kanyang paningin diretso sa kalsada, "Yes baby?" pagtatanong lang nito.

"H-hubby... Pwede sa guard house mo na lang ako ibaba?" alanganin kong saad sa kanya.

"Why?"

"K-kasi, baka kung anong isipin sa atin ni Mama. Syempre first time kong hindi umuwi, tapos wala pang paalam. Sigurado akong nag-aalala na sa akin 'yon." balisa kong turan, saka pinagsaklob ang aking mga kamay.

"Baby... I told you, ako nang bahalang mag-explain kay Tita. And besides, we agreed that we will tell Tita Janet that we were together na, remember?" pagpapaliwanag nito sa akin habang nakatuon pa rin ang kanyang atensyon sa pagmamaneho.

"P-pero..."

"No but's baby girl... Don't worry, dahil nandito ako."

Tumango na lang ako, tanda ng aking pagsang-ayon, kahit hindi naman niya ito nakikita.

"I love you, Nicnic ko." malambing niyang saad sa akin.

Nilingon ko naman ito sabay sabing, "Mas mahal kita, Mahal-colm." wika ko, saka ko siya nginitian ng matamis.

Mabilis naman ang aming naging biyahe, kabado akong nakaupo sa sasakyan ni Josh at agad din naman akong sinalubong nito bago ako inalalayan pababa.

"Thank you, hubby..."

"Let's go?" nakangiting saad niya sa akin at hindi na pinakawalan pa ang aking kanang kamay.

Sabay kaming naglakad papasok sa loob ng gate. Nakakapagtaka lang dahil mukhang tahimik sa loob, usually kasi kapag ganitong sabado naglalaro na dapat sina Nicolai at Nicolo sa garden. Kaya hindi maalis sa isip ko, na siguro nga'y nag-aalala na sa akin ngayon si Mama.

Napahinto na lang ako sa aking paglalakad, nang ilang hakbang na lang ang pagitan namin ni Josh sa pintuan ng aming tahanan.

Mabilis din namang napatigil si Josh sa kanyang paglalakad, dahil hawak ko ang kamay niya, "Hey baby girl... Are you alright?" nag-aalalang sambit nito, saka hinaplos ang aking kaliwang pisngi.

"Hubby... Uwi ka na kaya? Next time na lang natin sabihin kay Mama, please?" pagmamakaawa ko sa kanya.

Daglian naman akong hinarap ni Josh sabay sabing, "Baby, 'wag kang matakot... Kasama mo akong haharap kay Tita, at kung anumang maging reaksyon niya sa pag-amin natin sa relasyon na meron tayo, ay rerespetuhin natin 'yon. Ang importante ay nasabi natin kay Tita ang katotohanan."

One Sided Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon