Abala ngayon si Nicole sa paghahanap ng libro sa library, na kailangan niya para sa paggawa ng kanyang takdang aralin.
"Kulang ito, kailangan ko pa ng isang libro." sambit niya sa hanging habang mabagal na naglalakad para suyurin ang bawat hanay ng mga libro na nakapatas sa pasilyo.
Habang papalapit si Nicole sa dulo ng tambakan ay biglang nakarinig siya ng halinghing ng isang babae, na nagmumula sa tagong bahagi ng library. Hindi ito ganoong kalakas, ngunit mababatid mo na may tao roon dahil sa katahimikan na pumapaloob sa kabuuan ng silid-aklatan.
Dala ng kanyang matinding kuryusidad, ay napagpasiyahan niyang silipin ang huling hanay ng mga libro roon. Laking gulat ng dalaga nang makita ang pamilyar na pigurang kanyang nasisilayan ngayon.
"J-josh..." mahinang saad niya sa hangin dahil kitang-kita ng kanyang mga mata kung paano makipag-lampungan ang binata sa isang estudyanteng babae roon.
Dahan-dahang humakbang si Nicole paatras, upang hindi makagawa ng anumang ingay upang maistorbo ang mga ito. Ngunit sa hindi inaasahan pagkakataon ay natabig ng kanyang paa ang iilang lumang libro na nakapatas sa sahig.
Mabilis itong nakagawa ng ingay dahil tahimik ang buong silid-aklatan, na siyang dahilan para mapabaling sa kanya si Josh at ang babaeng kalampungan nito.
Sandaling nilingon ni Nicole ang mga libro ngunit pagbaling niya sa kinalalagyan ng binata ay nanlalaki na ang mga matang nakatingin ito sa kanya.
Hindi alam ni Nicole kung anong dapat niyang gawin ng mga sandaling iyon, hindi niya maintindihan kung bakit may kirot siyang naramdaman nang sandaling kumapit ang babaeng iyon sa leeg ni Josh.
Akmang lalapitan na ng binata si Nicole ay mabilis naman itong nagsalita nang, "S-sorry..." aniya at nagmamadaling kumaripas ng takbo papalayo sa pasilyong iyon.
"Nicnic!" sigaw ni Josh bago ito hinatid ng kanyang paningin papalayo.
Nasa ganoong sitwasyon ang binata nang biglang kumapit sa kanyang braso ang babaeng kanyang kahalikan kanina, "Hey... We're not done yet, Malcolm." maarteng saad nito bago hinalikan ang binata sa leeg.
"Nawalan na ako ng gana, Shannie. Next time na lang." walang ganang usal ni Josh bago inayos ang kanyang uniporme.
"Are you kidding me? Bibitinin mo talaga ako?" iritableng saad nito saka hinalukipkip ang mga braso.
Hindi na sumagot pa si Josh at nagmamadaling tumakbo para habulin si Nicole. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita itong nagpapapirma pa ng library card sa estudyanteng katiwala ng silid-aklatan.
Mabilis niya itong nilapitan saka tinabig gamit ang kanilang mga balakang, "Uy, long time no see ahh." nakangiti niyang saad dito kaya't mabilis siyang nilingon ng dalaga.
Malamlam ang mga matang tiningnan lang ito ni Nicole bago muling itinuon ang atensyon sa pinapa-pirmahang index card. Matapos makuha ang pakay ay nagkamadaling lumakad ang dalaga papalabas ng library, na hindi man lang inimikan ang dating kaibigan.
"Nicnic!" sigaw ni Josh at nakita niyang mas binilisan pa ni Nicole ang paglalakad dahil sa pagtawag niyang iyon. Mabilis niyang hinakbang ang kanilang pagitan bago humarang sa harapan ng dalaga.
Nagulat naman si Nicole sa biglang pagsulpot ni Josh, hindi naman siya nagpatinag sa awra nito at sinubukang lampasan pa na parang isang hangin. Hindi naman siya pinahintulutan ng binata, kung saan siya pumaling ay doon din ito humaharang. Para silang mga bata na naglalaro ng patintero sa gitna ng hallway.
BINABASA MO ANG
One Sided Love ✔️
General Fiction(COMPLETED) (NAIVE SERIES: Book 2) "If you love someone secretly, accept the possibility that you'll hurt silently." Josh Malcolm Dela Vega and Nicolette Rivera. Love Story. One sided Love. All Rights Reserved. 2018 Written by: Everjoy_Condes 📍 Hi...