Continuation:
"Ikaw?!" gulat na saad ni Nicole sa taong kaharap niya ngayon.
Mabilis namang inayos ng binata ang kanyang buhok na bahagyang nagulo, dahil sa biglaang pagkaka-alis ng kanyang robber mask, "Nicole, sorry... Dinamay lang ako ni Dennis." nakangiwing saad ni Trevor, isa sa basketball player ng FTHS Black Panthers.
Mabilis namang binalingan nang matalim na tingin ni Nicole ang binatang si Dennis sabay sabing, "Punyemas ka Dennis! Ano bang kalokohan ito ha?!" singhal niya rito, na halos mapatid na ang kanyang mga litid sa leeg dahil sa pagka-inis.
"Hun... I'm so sorry, gusto lang kitang i-surprise. Aren't you glad to see me again?" nakangising saad nito bago iniumang ang kanyang mga braso palabas, na parang naghihintay ng yakap mula sa binata.
Sarkastikong nginitian lang ito ni Nicole, bago dahan-dahang lumapit sa binata. Diretsong tiningnan lang ito ng dalaga at segundo lang ang lumipas nang mabilis niyang ginawaran ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi si Dennis.
"Tuwang-tuwa akong makita ka... Oh, may pa-welcome gift na ako sayo ah. Baka magtampo ka pa d'yan." sarkastiko niyang turan dito bago tinalikuran si Dennis.
Mabilis niyang tiningan ng masama sina Aaron, Jason at Trevor sabay sabing, "Lumayas kayo sa daraanan ko, kung hindi makakatikim din kayo sa akin!" mataray niyang anas sa mga ito, at wala pang isang segundo ay dagling pinaluwagan ng mga binata ang daraanan niya.
Nagmamadaling nilisan ni Nicole ang kwartong kanyang kinaroroonan, bago tinungo ang puting van na kanilang sinakyan kanina. Nakita niya na naiwan sa loob ang susi nito, kaya't mabilis siyang sumakay dito bago nagmaneho pabalik sa Trinus University.
"Nicole!" biglang sigaw ni Dennis nang humarang ito sa harap ng van.
Maagap na binuksan ng dalaga ang bintana ng driver's seat bago dinungaw doon ang binata, "Tumabi ka d'yan! Hindi ako magdadalawang isip na sagasaan ka, dahil nabu-bwisit ako sayo FYI lang!" sigaw niya rito bago naghanda sa kanyang pagmamaneho.
"Hun... Sorry na, I just wanted to surprise you, okay. That was only a joke, don't take it so seriously, please." pagmamakaawa pa nito habang nakaharang pa rin sa harap ng van.
"Hahaha!" sarkastikong halakhak ni Nicole, bago umayos sa kanyang pagkakaupo. "Ahh Joke pala ang hanap mo ha! Tingnan natin..." pabulong niyang saad sa hangin bago tinapakan ang pedal gas ng van.
Dagling umabante ang sasakyan papalapit sa kinatatayuan ng binata, ngunit mabilis din naman niyang inapakang ang preno nito para hindi masagasaan si Dennis.
Maagap na napaatras si Dennis sabay sabing, "What the... Are you trying to kill me, Nicollete?!" nanlalaki ang mga matang usal nito bago napahawak sa kanyang dibdib, dahil sa matinding kaba.
Sarkastikong ngumiti lang si Nicole rito sabay sabing, "Oopsie!" anito at pakunwari pang nagtakip ng kanyang bibig, na animo'y nang-aasar. "It was only a joke, don't take it so seriously, Hun!" pambubuska niya't ginaya pa ang dating ng pananalita ng binata kanina, bago pinagdiinan ang salitang hun sa dulo.
"F*ck!" kabadong saad ni Dennis bago gumilid para padaanin ang sasakyan.
Inarkuhan lang ito ng kilay ng dalaga, bago tuluyang pinaandar ang puting van papalayo sa lugar na iyon
BINABASA MO ANG
One Sided Love ✔️
Genel Kurgu(COMPLETED) (NAIVE SERIES: Book 2) "If you love someone secretly, accept the possibility that you'll hurt silently." Josh Malcolm Dela Vega and Nicolette Rivera. Love Story. One sided Love. All Rights Reserved. 2018 Written by: Everjoy_Condes 📍 Hi...