OSL Kabanata: 15

8.1K 303 21
                                    

"Nakakainis! Nakakainis!" nanggagalaiting anas ni Nicole habang patuloy sa pagkamot ng kanyang mga hita't braso.

Galit na galit ang dalaga dahil inabot na siya ng dilim kakahintay kay Josh sa field ng FTHS. Sinubukan pa niyang puntahan ito sa locker ng binata, ngunit walang mababakas na kahit anong makapagtuturo sa kanyang kaibigan.

"Ano ba 'yan, kapag minamalas ka nga naman ohh. Inindyan ka na nga, inabot ka pa ng rush hour!" bubulong-bulong na sambit ng dalaga habang nag-aabang ng jeep sa kalsada.

"Ano ba 'yan, nalowbat pa ang cellphone ko, paano na ako magpapasundo kay Mama nito?" nag-aalala pa niyang saad habang pilit na binubuksan ang kanyang telepono.

Sandali pa siyang naghintay ng jeep, ngunit punuan talaga ang mga nagdaraan ng mga sandaling iyon. Nakangusong bumalik na lang si Nicole sa loob ng eskwelahan para maki-tawag or maki-text man lang kung kanino mang maabutan niya roon.

Naghanap si Nicole ng taong pwede niyang mapakiusapan sa loob ng FTHS. Mabuti na lang at nakita niya ang gwardiyang nakatoka sa gabing iyon, kaya't mabilis niya itong nilapitan.

"Manong Guard..." humahangos niyang saad nang marating ang guard house ng eskwelahan.

"Oh Ineng, gabi na bakit hindi ka pa umuuwi?" pagtatanong nito bago umayos sa kanyang pagkakaupo.

"Nong, pwede po bang makitawag sa inyo?" pakiusap ni Nicole rito.

Kahit nabigla sa sinabi ng dalaga'y mabilis namang tumango ang gwardiya bago iniabot ang telepono kay Nicole.

"Thank you po!" magiliw na turan ni Nicole rito.

Tanging thumbs up lang ang isinagot nito sa dalaga. Kaya't mabilis na itinipa ni Nicole ang numero ng kanyang Ina.


Sorry you don't have enough load in your account to make this call. Please reload immediately to connect to our service, thank you!


Nangunot naman ang ni Nicole nang marinig ang operator, "Manong, wala na po kayong load." aniya sa matanda bago ibinalik ang telepono nito.

"Ganoon ba Ineng? Pasensya na hindi ko namalayan na naubos na pala ang load ko." kakamot-kamot ng ulong usal nito.

Nang akmang sasagot na si Nicole ay may biglang bumati sa kanya, "Hello hun." magiliw na saad nito.

Mabilis namang napalingon dito ang dalaga at nanlaki ang mga mata nang makita si Dennis, na nakasuot pa ng kanyang jersey at halatang kakatapos lang ng ensayo nito sa basketball dahil sa pawisan nitong katawan.

"I-ikaw na naman?!" bulyaw niya rito dahil hindi pa siya nakakaganti sa biglaang paghalik nito sa kanyang pisngi kanina.

"W-what?!" natatawang usal nito habang nagpupunas ng kanyang pawis.

"Tsss..." tanging sagot lang ng dalaga rito dahil wala siya sa mood makipag-diskusyon sa binata. Mabilis naman niyang binalingang muli ang gwardiya sabay sabing, "Manong Guard, patawag na lang po sa landline niyo." aniya rito habang hindi binibigyang pansin ng presensya ni Dennis sa kanyang likuran.

"Naku Ineng, walang linya ang telepono rito. Intercom lang ang gamit namin dito at tanging ang mga telepono sa loob ng eskwelahan lang ang may koneksyon." giit pa ng gwardiya, na siyang dahilan para mapabagsak nang tuluyan ang balikat ng dalaga.

One Sided Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon