OSL Kabanata: 22

7.6K 311 49
                                    

*****

I'm finally back, Lovies! ❤️

So, kamusta naman kayo? May naghihintay pa ba ng update nito? 😁😁😁

*****


Matapos ang nasabing pagtatapos, ay agad nag-ayos ng kanilang mga sarili sina Raine at Nicole. Ngayon ay papunta na sila sa Graduation Ball, na gaganapin sa gymnasium ng kanilang eskwelahan.

Itim ang motif ng nasabing bulwagan, kaya't bihis na bihis ang dalawang dalaga sa kanilang ternong itim na mini dress, na nagkaiba lamang sa mga disenyo nito.

"Congratulations, beshie!" sigaw ni Raine sa kanyang kaibigang si Nicole, dahil sa lakas ng tugtugin sa nasabing bulwagan.

"Congrats sa atin, beshie! Sa wakas! Graduate na tayo! Kaya it's time to party... Yahoo!" masayang saad nito bago umakbay sa kanyang kaibigan, at bahagyang tumalon-talon pa.

Nasa ganoong posisyon ang dalawang dalaga nang biglang marinig nila na may tumili sa kanilang likuran, "Flowerspuff girls!" anito sa pinaka matinis niyang boses.

Sabay na napalingon ang magkaibigan dito at nanlalaki ang mga mata, nang makita ang isang pigura ng babae na kahit matinis ang boses ay mababatid mo pa rin ang pagkabaritono nito.

"A-aaron?" kunot noong saad ni Nicole nang makitang papalapit na ito sa kanila.

"The one and only." anito saka iwinagayway ang kanyang pekeng buhok, na kulay pula.

"Grabe, hindi kita nakilala." hindi makapaniwalang turan ni Raine rito.

"Syemps naman flowerpuff girls, I'm a change woman now." maarteng turan nito bago pumuwesto na parang isang modelo.

"Langya ka bff! Kahit anong pagpapakababae mo, halata pa rin ang pagka-macho gwapito mo." buska ni Nicole rito.

Agad namang nakatanggap si Nicole ng bahagyang pagsabunot dito sabay sabing, "Gagosh! Ilang oras kong pinaghandaan ang party na 'to, tapos sasabihin mong macho ako? The heck, Nicollete?" maarteng wika nito saka kunwaring nagpunas ng kanyang noo.

Mabilis namang kinuhanan ni Nicole ng litrato ang kanyang kaibigang si Aaron, gamit ang kanyang telepono sabay sabing, "Tingnan lang natin, kung anong sasabihin ng heneral luna mong pudrabells kapag nakita niya ito." pangbubuska ni Nicole bago kinalikot ang nasabing bagay.

"Bff! Nubayan!" ani Aaron bago kinuha ang cellphone ng dalaga.

"Ano ka ngayon?" mapang-asar na saad ni Nicole sa binata.

"Letche plan! Pinalalapota mo talaga ang beauty ko sa pinaggagagawa mo, bakla ka." anito bago binura ang kanyang litrato.

"Tama na yan, baka magkaasaran pa kayo d'yan." pang-aawat ni Raine sa kanyang mga kaibigan.

"Anyways, highways... Nasaan na ang magaling mong jowaers, Nicollete?" pagtatanong ni Aaron sa dalaga.

Walang ganang inginuso lang nito ang binatang si Dennis, na ngayon ay abala sa kausap nito sa telepono.

"Aba himala? Bakit ang serious ng bungisngis mong fafa ngayon?" pagtatanong ni Aaron.

"Ewan ko ba, simula noong nag-18th monthsary kami, palagi na lang siyang balisa at may kausap sa cellphone. Parang nagtatalo, ganoon." malungkot na saad ni Nicole habang pinagmamasdan ang kanyang kasintahan sa hindi kalayuan.

One Sided Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon