OSL Kabanata 45: The Finalé ❤️

15.3K 335 79
                                    

Alas sais pa lang nang umaga ay nagising na ang dalagang si Nicole. Masaya siyang gumising nang umagang iyon, dahil iyon na ang araw na kanyang kinasasabikan kung saan gaganapin ang kanilang pinakahihintay na kasal ni Josh.

Ang sabi ng iba ay kailangan daw mag-beauty rest nang isang bride para blooming ito sa araw ng kanyang kasal. Pero sa estado ni Nicole ay hindi man lang siya dalawin ng antok. Kahit anong pagpupumilit at ilang posisyon na rin ang kanyang nagawa, ngunit mas mataas ang excitement na dumadaloy sa buo niyang sistema kesa sa antok na kailangan ng kanyang katawan nang gabing iyon.

Habang papalapit kasi ang oras nang kanilang kasal, ay ganoon din tumataas ang lebel ng pananabik ni Nicole na makitang muli ang kanyang kasintahang si Josh. Halos isang linggo niya kasi itong hindi nakita dahil na rin sa kagustuhan nang kanilang mga magulang, bilang pagsunod at paggalang sa isang makalumang pamahiin.

Ni videocall o pasimpleng pagkikita ay mahigpit na ipinagbabawal, kaya't masasabing nananabik na ang magkasintahan na makasama muli ang isa't isa. At sa pagkakataong iyon ay magkakapiling na sina Josh at Nicole, bilang isang ganap na mag-asawa na.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang telepono para padalahan nang mensahe ang kanyang kasintahan. Ngunit agad gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi, nang makitang mas nauna na siyang napadalahan ni Josh nang mensahe.


From: Hubby ❤️

Rise and Shine, soon to be wifey. Our big day will start in a few hours. Missing you a lot! 😭


Dagli naman niyang ni-reply-an ito.


To: Hubby ❤️

Good morning, future husband ko. I miss you too, miss ka na namin ni baby. 😢 Seriously... Mas maaga ka pa palang nagising sa akin?


From: Hubby ❤️

Excited na kasi ako baby... Ilang oras na lang at magiging Mrs. Dela Vega ka na, and I can't wait to finally see you again. Masyado nang matagal ang one week na pagtitiis ko na hindi ka nakikita, para na akong mababaliw. 😩


To: Hubby ❤️

Hahaha! Wala tayong magagawa dahil naniniwala sa pamahiin both parents natin. Miss na rin kita hubby, miss ko na po 'yung amoy mo. 😢


From: Hubby ❤️

Puntahan kita d'yan sa bahay niyo ngayon. Gusto kita makita, yakapin at i-kiss ng marami. Kahit sandali lang Nicnic ko, please. 🙏🙏🙏

To: Hubby ❤️

Hubby, magkikita na naman tayo mamaya eh... You can hug me nor kiss me kahit ilang oras mo pa gusto. 😊


From: Hubby ❤️

Haaayyy... Alright. 😢 Don't forget to eat your breakfast okay? See you later my soon to be misis. I love you, Nicole. 😘


To: Hubby ❤️

See you later, hubby. I love you too so much. 😘



One Sided Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon