Continuation:
Mabilis hinaplos ni Nicole ang kanyang mga labi, habang sinasariwa ang mga halik na kanilang pinagsaluhan ni Josh kanina. Naramdaman ng dalaga na parang may mga paruparong nagliliparan sa kanyang tiyan na hindi niya maipaliwanag.
"Ganito pala ang pakiramdan ng kasabihan na iyon, parang kinikiliti 'yung tiyan ko na ewan." walang muwang na usal ni Nicole sa kanyang sarili, habang hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi.
Habang naghihintay sa pagbalik ni Josh, ay masuyong pinagmasdan ng dalaga ang kabuuan ng tahanan ng mga Dela Vega. Minsan na siyang nakabisita rito noong high school pa lamang sila para gumawa ng isang proyekto, kasama ang kanilang kaibigang si Raine.
Dahan-dahang naglakad si Nicole sa living room, habang sinusuyod ang mga litrato na nakalagay sa isang magarang lamesang naroon. Biglang gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi, nang makita ang litrato ni Josh noong bata pa lamang ito.
Dala ng kanyang kapilyahan ay mabilis nagmasid ang dalaga sa kanyang paligid, at nang makitang walang tao roon ay dagli niyang kinalas ang itim na picture frame bago kinuha ang litrato ng kanyang kasintahan.
"Ang cute mo naman, hubby ko." kinikilig niyang sambit sa hangin, bago inayos ang pagkakalagay ng frame sa dati nitong kinalalagyan.
Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala pa ring Josh na bumubungad sa dalaga. Dala ng kanyang pagkainip, ay sinundan na lang ito ni Nicole sa kusina ngunit wala rin siyang Josh na naabutan doon.
"Saan ba nagpunta 'yon?" kunot noong tanong niya sa kanyang sarili. Wala namang tao sa nasabing lugar, kaya't nagkusa nang kumuha si Nicole ng kanyang maiinom sa kusina.
Habang abala sa pagsimsim ng tubig ay biglang naibuga ng dalaga ang kanyang iniinom, dahilan para matapon ito sa kanyang suot na uniporme.
Bumungad kasi sa kanyang harapan ang matipunong katawan ni Josh, na siyang kakalabas lang ng banyo. Kitang-kita ni Nicole ang six pack abs nito, dahil wala itong suot na anumang pang-itaas na saplot. Tanging ang puting tuwalya lamang ang tumatabing sa maselang parte ng katawan nito.
Malayang sinuyod ng tingin ng dalaga ang hubad nitong pangangatawan. Nasisiyahan siyang pagmasdan ang mga butil-butil na tubig na siyang dumadausdos pababa sa katawan ng binata.
Wala sa sariling napakagat si Nicole ng kanyang pang-ibabang labi, bago napahawak ng sobrang higpit sa walang kalaban-laban na baso. At nang ibinalik niya ang kanyang paningin sa mukha ng binata, ay nakatingin na rin pala ito sa kanya ng masinsinan.
*****
WARNING:
The next scene is not suitable for young Readers. It contains matured content such as strong languages and sexual scenes. (R-18)
Read at your own risks!*****
Muling nanumbalik sa sistema ni Josh, ang pamilyar na init na kanyang naramdaman para sa dalaga. Dala ng matinding sensasyon, ay inilang hakbang lamang niya ang kanilang pagitan ni Nicole bago ito sinunggaban ng isang mapusok na halik sa labi.
Wala nang nagawa pa ang dalaga, kundi ang malugod na tanggapin ang mainit na halik ng kanyang kasintahan. Ramdam niya ang pinaghalong init at lamig ng katawan nito, na siyang dahilan para mabilis niyang maipatong sa kitchen counter ang hawak na baso bago ikinawit ang kanyang mga braso sa binata.
BINABASA MO ANG
One Sided Love ✔️
General Fiction(COMPLETED) (NAIVE SERIES: Book 2) "If you love someone secretly, accept the possibility that you'll hurt silently." Josh Malcolm Dela Vega and Nicolette Rivera. Love Story. One sided Love. All Rights Reserved. 2018 Written by: Everjoy_Condes 📍 Hi...