OSL Kabanata: 42

8.5K 298 24
                                    

NICOLE's POV:

Aligaga akong nakaupo ngayon sa living room ng aming tahanan. Maghigpit ang pagkakasaklob ng aking mga kamay, na parang doon ako humuhugot ng lakas dahil sa kaba na aking nararamdaman.

Dalawang araw na kasi ang nakalipas simula nang umalis ako at magpunta sa condo unit ni Dennis. Sinundo ako ni Josh doon at nagprisinta na ihahatid ako pauwi sa amin, ngunit agad ko siyang pinakiusapan na 'wag muna dahil natatakot ako na baka tuluyan na akong mahiwalay sa kanya.

Nakumbinsi ko naman si Hubby at dinala niya ako sa penthouse na pag-aari noon ng kapatid niyang si Ate Jasmine. Dalawang araw akong namalagi roon, pero nasabi sa akin ni Josh na sa araw nang pagdating ni Papa galing Dubai ay iuuwi na rin niya ako para sabay namin harapin ang mga magulang ko.

At heto na nga, sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. Halos mabingi na ako dahil hindi ko alam kung anong kakahantungan nang pakikiharap naming ito ni Josh sa mga magulang ko.

Napabalik na lang ako sa realidad nang maramdaman ko ang kamay ni Josh na biglang humaplos sa aking mga kamay na ngayon ay nanlalamig na.

Dagli ko naman siyang binalingan at nakita ko na nginitian lang ako nito ng alanganin saka iminustra ng kanyang mga labi ang katagang, "I love you, baby." bago ako nginitian muli.

Kahit walang direktang salita akong narinig mula sa kanya, ay ramdam na ramdam ko naman ang pagmamahal niya. Kahit sa pamamagitan lamang ng simpleng katagang iyon, ay nabawasan kahit papaano ang kaba ko.

"I love you too." mahina ko namang tugon pabalik, para iparamdam din kay Josh ang aking pagmamahal.

Sabay naman kaming napabaling ni Josh sa taong pababa na ngayon ng hagdanan, walang iba kundi si Papa. Striktong awra ang isinalubong sa amin nito, kasunod si Mama na ngayon ay tuluyan nang nakababa ng hagdanan.

"G-good evening po, Tita Janet, Tito Leo." biglang usal ni Josh saka tumayo sa kanyang pagkakaupo pagbibigay galang sa aking mga magulang.

"P-pa..." tanging sambit ko lang dito, saka dahan-dahang humakbang papalapit dito. Humalik ako sa pisngi ni Papa at ganoon din kay Mama. Hindi naman sumagot si Papa at tanging diretso lamang itong nakatingin kay Josh.

Nang akmang babalik na ako sa tabi ni hubby ay biglang nagsalita si Mama, "Nicole... Samahan mo ako sa kusina, tulungan mo akong maghanda ng meryenda at kakausapin ng Papa mo si Josh." seryosong saad ni Mama bago nagpatiuna sa kusina.

Hindi naman ako gumalaw sa aking kinatatayuan dahil natatakot ako para kay Josh. Strikto kasi si Papa at hindi marunong ngumiti, alam kong kapag sinabi niya ang isang bagay ay tutuparin niya iyon.

Nang akmang lalapitan ko na si Josh ay biglang nagsalita si Papa, "Nicole, di ba nagpapatulong ang Mama mo sa kusina? Ano pang ginagawa mo dito?" seryosong anas nito sa akin, ngunit ang paningin niya ay kay Josh lang nakatuon.

Sandali kong binalingan si Josh at tumango lang ito sa akin, na parang sinasabi na 'wag akong mag-alala sa kanya. Wala na akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga at lulugo-lugong naglakad papunta sa kusina.

Nagdarasal na sana'y malampasan namin ni Josh ang problemang kinakaharap namin ngayon.

Haaayyyy...


*****


JOSH's POV:

Sinundan ko lang nang tingin si Nicole na ngayon ay tuluan nang nakapasok sa kanilang kusina. Nasa ganoong posisyon ako nang biglang magsalita si Tito Leo, "Maupo ka hijo." maawtoridad na usal nito bago naupo sa katapat kong sofa.

One Sided Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon