Chapter 04: Prince Sungit
=*=SUMMER'S POV=*=
Mas naging malungkot ang expression ng mukha niya waiting for my answer.
"Thank you Rain but my answer is NO. I don't want to be with you." Seryoso kong sinabi sa kanya saka inalis ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko.
"Fine! I'm sorry. Badtrip lang ako kanina." Medyo inis niyang sambit. Mag so-sorry na nga lang may bakas parin ng kasungitan tsk.
"Palagi ka namang badtrip eh. May bago pa ba dun? Huwag ka ding mag sorry. Okay lang sa akin 'yun hindi naman ako affected. Pasensya ka na kung makulit ako. Sahreeh ah Sahreeh." Nakangiti kong sinabi para itago ang tunay kong nararamdaman.
"Sorry na sabi eh." Masungit niyang sinabi kaya mas lalo tuloy akong nainis sa kanya.
"Sinabi ko naman sayo na 'wag mag sorry diba. Okay lang ako. Ano pa ba ang pinoproblema mo?" Sarcastic kong sinabi sa kanya dahil naiinis na ako sa kasungitan niya. Nakaka bad vibes at nakaka-stress.
"Ikaw ang problema ko. Gusto ko lang naman na mag-sorry pero parang napipilitan ka lang naman." Aniya, so ramdam niya pala ang cold ng treatment ko sa kanya. Wala pa nga 'to sa kalingkingan ng pagiging cold niya sa akin.
Tinawanan ko muna siya, pekeng tawa. Bago nagsalita ulit, "okay. Rain pinapatawad na kita. Okay na ba yun sayo?" Sabi ko sa kanya sarcastically.
Nag smirk naman ito, "then prove it. Sumabay ka sa akin pauwi." Medyo mabait nitong sinabi may bakas parin kasi ng kasungitan.
Mukhang totoo naman ang paghingi niya ng sorry at kung napipilitan man siya okay lang at least nag sorry pa rin siya. Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob para hindi tanggapin ang sorry niya. Sasagot na sana ako nang biglang nahagip ng aking paningin ang cart ng dirty Ice Cream.
Automatic akong napangiti saka tumingin sa kanya, "okay sasabay ako sayo pauwi. But in one condition." Nakangiti kong sinabi sa kanya.
"Tss. Ano?" Masungit niya namang sinabi.
"Ay wag na nga lang. Makauwi na nga." Patampo kong sinabi saka humakbang paalis pero pinigilan niya ako, "ano nga sabi?" Masungit na sambit niya na ikinatuwa ko naman, kasi it means he can't resist me.
Nginitian ko ulit siya ng pagkaganda-ganda bago nagsalita, "libre mo ako ng ice cream." Naka- puppy eyes kong sinabi sa kanya.
"Tss. Oo na." Medyo masungit nitong sinabi, "thank you Rain." Nakangisi kong sinabi sa kanya.
"Tss. Parang bata," he murmured habang papunta kami sa may cart ng dirty ice cream. Hindi ko nalang ito pinansin, instead inunahan ko na ito sa may cart tapos nag order na ako.
"Bayaran mo na," utos ko sa kanya habang dinidilaan ang hawak kong ice cream. Sobrang nakakatakam. Apat na flavor sa isang cone, ube, mangga, buko pandan, at durian. Sobrang sarap walang halong ka-echosan.
BINABASA MO ANG
Bobita Queen
Teen FictionSummer Keith del Valle ang super-duper gorgeous lady in town na may pagka feeling-era when it comes to her beauty and charms. She's almost perfect pero bilang tao may mga flaws and imperfections din. Being Bobita is her greatest downfall. Bobita Q...